LAKAD at takbo ang ginawa ko para lang makalayo agad sa mga taong naroon at nakatingin sa akin. I was about to turn at the end of the hallway when someone suddenly grabbed my arm to stop me. Despite my vision being unclear, I compelled myself to focus on the person who halted me, ngunit mas lalo lamang akong nasaktan at nagalit nang makita kong si Alex pala iyon.
“Portia, please let me explain first—”
Kagaya sa ginawa ko kay Trish kanina, isang malakas na sampal ang ibinigay ko rito nang bawiin ko ang braso ko na hawak-hawak nito.
“Explain? Explain again, Alex? Para ano? Para muli mo na naman mapaikot ang utak ko? Para muli mo akong papaniwalain na mali ang mga nalaman ko kanina? Hindi ako ganoon kabobo at katanga para muling paniwalaan ang mga paliwanag mong puno ng kasinungalingan!” puno ng galit at sakit na singhal ko rito. “You did it once, Alex. Ang sabi mo it was a misunderstanding, so I believed you kasi wala akong hawak na ebidensiya. But now, kitang-kita nang dalawang mata ko ang picture ninyo ni Trish. How can you explain about that?” mariing tanong ko. “Bakit mo pa ako niligawan at ginustong maging girlfriend mo kung nasa iba naman pala ang interest mo, Alex? Bakit hindi na lang si Trish ang niligawan mo una pa lamang para hindi mo na ako nasaktan nang ganito? Para hindi n’yo na kailangan na magtago sa rooftop sa tuwing magkikita kayong dalawa!”
Umiling-iling naman ito pagkatapos ng mga sinabi ko. “Portia, no please! I love you, babe,” sabi nito, saka sinubukang abutin ang kamay ko, pero mabilis akong umatras.
Napailing ako kasabay nang pagpunas ko sa aking mga luha na patuloy pa ring tumutulo sa aking pisngi. “You don’t love me, Alex! Dahil kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako sasaktan nang ganito! Hindi mo ’to gagawin sa ’kin!” Mabilis akong tumalikod at ipinagpatuloy ang paghakbang ko palayo.
Ang bigat at ang sakit-sakit ng dibdib ko. I feel like there is a knife that is trying to be buried in my heart so that what I feel now hurts even more. My knees are shaking too. Even though my eyes were blurry from the tears that were still flowing, I forced myself to walk. Pagkalabas ko sa building, ang malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa akin. Tila nakikiramay yata ang panahon sa sakit na iniinda ngayon ng aking puso. Mas malakas kasi ang ulan ngayon kumpara kanina.
I looked up at the sky for a moment before running down the road—under a heavy downpour. Naghalo na ang ulan at ang aking mga luha.
Mayamaya, nang makalayo na ako sa APC, pagod na napaluhod ako sa semento nang makaramdam ako ng tuluyan na panghihina sa aking mga tuhod. Siguro, dahil sa pinaghalong lamig ng hangin at ulan na tumatama sa impis kong katawan, kaya hindi ko na nakayanan.
“Mga manloloko!” mahina, ngunit mariing sambit ko, pagkuwa’y tumingala ulit sa madilim na kalangitan. Napapikit ako nang mariin.
PAPASOK pa lamang ako sa looby ng building ay agad na sumalubong sa akin ang mga tinginan ng aking mga katrabaho. Mga tingin na iba ang nais na ipahiwatig sa akin. But instead of paying attention to them, I just ignored them and continued walking.
“Totoo ba ’yon? Ang akala ko pa naman ang bait niya. Malandi rin naman pala!”
“My God! Huwag kang nagpapaniwala sa magandang hitsura, bes. Unang kita ko pa lang naman diyan sa Portia na ’yan ay malandi na talaga siya! Ang lakas pa ng loob niyang sampalin si Trish sa harap ng maraming tao e, siya naman pala itong mang-aagaw ng boyfriend.”
“Talaga? So, totoo pala ang kumakalat na tsismis sa buong building? Si Trish pala talaga ang totoong girlfriend ni Alex at hindi si Portia?”
“Korek, bes! At isa pa, malapit na rin silang ikasal ni Alex. Kahapon sinabi rin ni Trish na two months na siyang preggy.”
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco
RomantikPortia's happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold...