“PORTIA, kanina ka pa hinihintay ni Miss Jass Anne,” sabi ni Meg nang makasalubong ko ito sa hallway pa lamang ng building ng Albatross Publishing Company. “Bakit late ka na naman?” tanong pa nito habang tinatanggal ko ang suot kong jacket.
Bumuntong hininga ako nang malalim. “Alam mo naman kapag maulan, sobrang traffic,” sabi ko.
“Oo nga! Kaya nga inagahan ko rin kanina,” ani nito. “Sige na, umakyat ka na sa opisina ni Miss Jass! Kanina ka pa hinihintay n’on.”
“Sige, thank you,” sabi ko, saka nagmamadali nang tinungo ang kinaroroonan ng elevator upang pumanhik sa ika-6 na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng boss namin.
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago sumimsim sa kapeng binili ko sa coffee shop na nadaanan ko kanina. Kagaya sa nagdaang mga gabi, sinalakay na naman kasi ako ng insomnia ko, kaya madaling araw na ako nakakatulog. Wala naman iyon problema sa akin dahil may manuscript din akong tinatapos. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko nakakayanan ang antok ko kapag nasa trabaho na ako. Nakakahiya naman kay Jass Anne kung papasok ako sa trabaho para lang matulog sa puwesto ko.
Muli akong napahikab bago tuluyang bumukas ang pinto ng elevator at tinatamad akong lumabas doon. Bago magtungo sa opisina ng boss namin ay dumaan muna ako sa puwesto ko para iwanan doon ang aking bag.
“Morning, Portia! Late ka na naman,” nakangiting sabi sa akin ng isa ko pang katrabaho.
Napangiti rin ako. “Morning, too. Oo nga, e! Puyat masiyado!”
“Hindi naman halata! Fresh pa rin ang look mo,” ani nito na ikinangiti kong lalo bago napapailing na muling naglakad para magtungo na sa opisina ng boss namin.
Kumatok muna ako sa pinto bago pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Kaagad ko namang nakita si Jass Anne na nakaupo sa tapat ng lamesa nito habang abala sa ginagawang trabaho. Kung hindi pa ako tumikhim, hindi ito mag-aangat ng mukha para tapunan ako ng tingin. Halatang busy nga ito.
“Busy.”
“You’re here! Come, have a sit,” ani nito, saka mabilis na ibinaba ang hawak nitong ball point, ganoon din ang suot nitong salamin.
“Morning! Hinihintay mo raw ako?” tanong ko pagkaupo ko sa visitor’s chair na nasa tapat ng lamesa nito.
“Yeah. Actually I was trying to call you last night pa, but you seem to be busy and I can’t reach you.”
“Sorry. My phone was off last night. Alam mo na, me time namin ni Alex.” Mabilis na lumiwanag ang mukha ko nang banggitin ko ang pangalan ng boyfriend ko.
“Speaking of your so-called boyfriend. Kaya kita ipinatawag dito ay dahil sa kaniya,” seryoso ang mukha na sabi nito.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko. “Why? What do you mean?” tanong ko.
Bumuntong hininga ito nang malalim. “Ayoko sana magsalita tungkol sa mga nalaman ko. But, Portia, you are my friend. You were my very first author here in APC before you became a head editor. And of course, parang kapatid na rin ang turing ko sa ’yo, kaya ayoko na—”
“What do you mean, Jass Anne?” tanong kong muli dahilan upang maputol ang pagsasalita nito. Sa tono at klase kasi ng pananalita nito, alam ko na mahalaga ang gusto nitong sabihin sa akin tungkol sa boyfriend ko. Pero bakit hindi na lamang ako nito diretsohin sa gusto nitong sabihin sa akin? “What?” Kibit-balikat na tanong ko ulit nang hindi agad ito nagsalita.
Nagbuntong hininga itong muli. “I saw Alex and Trish on the rooftop yesterday before he met you on your dinner date.”
Biglang naging seryoso ang mukha ko dahil sa mga sinabi nito. Ang mga kilay kong halos mag-isang linya na kanina ay mabilis na naghiwalay. Mas lalo akong napatitig dito nang seryoso.
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco
RomancePortia's happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold...