CHAPTER 5

87 7 1
                                    

“I SAID, who are you? It is blasphemy for you to enter my house without permission.”

Mas lalo akong nakadama ng labis na takot nang marinig ko ulit ang galit na boses na iyon, kaya wala akong sapat na lakas upang sagutin ang katanungan niya.

Oh, Lord, please, help me! Nanginginig ang buong katawan ko! Mayamaya ay dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong naglakad palapit sa akin ang anino ng lalaki, bagay na mas lalo kong ikinatakot.

“This is not an abandon house if that’s what you think.” Ang magaspang at galit na boses niya ang muli kong narinig pagkatapos ay naramdaman ko ang isang kamay niya na humawak sa braso ko. Walang kahirap-hirap na naiangat niya ako mula sa pagkakasalampak ko sa likod ng pinto. “Get out if you don’t want me to kill you right now!” Saka niya ako puwersahang hinila palabas nang mabuksan niya ang malaking pinto.

“P-Please! No, please! Help me!” umiiyak at namamaos ang boses ko habang nagmamakaawa ako. Siguro kung hindi niya ako hawak sa isang braso ko, malamang na kanina pa ako natumba sa malamig na marmol na inaapakan ko ngayon dahil sa matinding panghihina ng mga tuhod at kalamnan ko dahil sa takot ko sa kaniya. “Please, mister! Papatayin nila ako!” pagsusumamo ko at hinawakan ko na rin siya sa kamay na siyang naging dahilan upang mapahinto siya. Kahit medyo madilim ang labas ng bahay, naaninag ko ang paglingon niya sa akin. Hindi ko makita nang maayos kung ano ang hitsura niya, pero sigurado akong puno ng balbas at bigote ang mukha niya. Ang mga mata niya ay bahagyang kuminang nang tamaan iyon ng kulay dilaw na ilaw na nakasabit sa gilid ng mataas na pinto. Ramdam ko ang pinaghalong yelo at apoy sa mga titig niya ngayon sa akin. Kahit naninikip pa rin ang dibdib at lalamunan ko, “papatayin nila ako! Please, help me!” muling pagsusumamo ko habang nangingilid pa rin ang luha sa mga mata ko. Alam ko, oras na muli akong makalabas sa gate na iyon, wala na akong ligtas mula sa mga taong humahabol sa akin. Panigurado ako na ito na ang huling araw ko sa mundo. “Please, I’m begging you, mister! H-Help me!” labis na pagmamakaawa ko. Pero mayamaya, bigla na lamang ako nawalan ng malay.

PAGKA-MULAT ko sa aking mga mata ay agad na bumungad sa paningin ko ang kulang gray na kisame. Hindi pamilyar sa akin ’yon kaya biglang nagsalubong ang aking mga kilay at saka pinilit na ilibot ang aking paningin sa buong paligid hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na nakaupo sa isang silya sa bandang paanan ko.

“Mabuti at gising ka na,” sabi nito sa akin. Saka ito tumayo sa kinauupuan nito. “Halos magtatanghaling tapat na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? May dala akong pagkain para sa iyo,” sabi pa nito at tinapunan ng tingin ang bowl na nasa ibabaw ng bedside table.

“Nasaan ako?” sa halip ay nagtatakang tanong ko rito.

“Nasa mansion ka ngayon. Teka, wala ka bang maalala sa nangyari sa iyo kagabi?” tanong ulit nito.

Muling nangunot ang aking noo at pinilit alalahanin ang mga nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Mayamaya, bahagya akong napasinghap nang maalala ko ang mga kalalakihan na humahabol sa akin kagabi, nang maalala ko ang krimeng ginawa ng mga lalaki na iyon kay Jass Anne. Muli na naman akong sinalakay ng labis na takot. Wala sa sariling napaupo ako sa kama at tinitigan ko ang lalaki.

“Please, huwag mo muna ako palabasin dito sa inyo! May . . . may mga humahabol sa akin. Papatayin nila ako! Tulungan mo ako!” pumiyok pa ang boses ko. Mataman at balot ng labis na pag-aalala at takot ang mga mata kong tumitig dito.

Mababakas naman sa mukha nito ang biglang pagkalito dahil sa mga sinabi ko. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito.

“M-May mga taong gustong pumatay sa akin,” sagot ko. Banayad akong bumuntong-hininga upang kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko na nag-uumpisa na namang manikip dahil sa takot.

THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El GrecoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon