“MABUTI naman at natuto ka pang umuwi rito sa bahay! Ang buong akala ko kasi ay nakalimutan mo na ang address natin. My God, Portia! Tatlong araw kang hindi umuwi rito! Baka gusto mong ipaalala ko sa ’yo na may mga taong naghihintay at nag-aalala sa ’yo rito?”
Ang sermon agad ni Tita Marites ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang sa living room ng bahay. Mabilis akong napapikit nang mariin, saka nagpakawala nang malalim na buntong hininga.
“Ma, umagang-umaga ang ingay mo na naman diyan!”
Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marinig ko mula roon ang boses ni Fritz, ang pinsan ko.
“Hayaan mo na ’yang si Portia kung hindi umuwi rito sa bahay! Malaki na ’yan! Alam na niya kung ano ang ginagawa niya!”
“Isa ka pa! Kagaya ka na rin diyan sa pinsan mo! Puro sakit sa ulo ang binibigay ninyo sa akin!”
Napabuntong hininga akong muli. “Tita, please! Huwag mo na pagalitan si Fritz! Kung galit po kayo sa akin dahil sa hindi ako umuwi rito ng ilang araw, I’m sorry. Busy lang po ako sa trabaho ko,” pagdadahilang sabi ko na lamang dito.
I was fifteen years old when my parents died because of a car accident.
Pagkatapos mailibing ang mga magulang ko ay si Tita Marites na ang nag-alaga sa akin. Ito ang naging legal guardian ko dahil ito lang naman ang kapatid ng Papa ko. Maayos naman ang unang pakikitungo nito sa akin. Mabait. Maalaga. Lahat ng gusto at hihilingin ko ay ibinibigay nito sa akin. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagbago nang pakikitungo sa akin. Bagay na labis kong ikinagulat at ikinalungkot.Dahil nag-iisang anak lang ako ng magulang ko, sa akin naiwan lahat ng ari-arian ng magulang ko. Ang mansion na tinitirhan namin ngayon, ang tatlong mamahaling sasakyan na nakapangalan kay Papa; ang perang nagkakahalaga ng milyones na nasa bangko na nakapangalan kay Mama at Papa; maging ang restaurant na ipinatayo ni mama noong maliit pa lamang ako; pati ang business ni papa, which is Furniture. Lahat ng iyon ay nailipat sa pangalan ko. Ngunit sa isang iglap lamang ang lahat ng iyon ay bigla ring nawala sa akin. And that’s because of my Tita Marites. Matagal na pala nitong nilulustay ang kayamanan ko nang hindi ko namamalayan.
Kinuha nito ang pera ko sa bangko para gamitin sa pagsusugal nito sa casino. Ibinenta rin nito ang dalawa kong kotse, at ang restaurant ni mama. Dahil bata pa ako noon at malaki ang tiwala ko kay Tita Marites, kaya sa tuwing hihilingin nito sa akin na pirmahan ko ang mga dokumentong ipinapakita nito sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na pirmahan iyon. Nalaman ko na lamang na lahat ng kayamanan na iniwan sa akin ng aking mga magulang ay naubos na pala noong sinisingil na si Tita Marites ng bangko dahil sa dami ng utang nito. At ibinenta rin nito ang negosyo ni Papa para lang makabayad ito at hindi makulong. Ang natitira na lang sa akin ngayon ay itong mansyon at ang isang sasakyan.
“Hayaan mo na ’yan si mama, Portia. Umakyat ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na rin. You look pale. Have you slept these past few days?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Fritz.
Hindi naman ako sumagot, sa halip ay bumuntong hininga lang ako ulit.
Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang aking noo. “Oh, my God! You are sick, Portia! Mainit ang katawan mo. Ma, may sakit si Portia,” nag-aalalang sabi nito, saka lumingon kay Tita Marites.
“At ano ang gusto mong gawin ko? Ako pa ang mag-aalaga sa kaniya?” pagalit na tanong nito.
“God! Napaka-rude mo talaga sa pamangkin mo. Whatever! Come here, Portia, magpahinga ka na sa itaas.” Inalalayan ako nito sa braso upang umakyat sa hagdan.
“Salamat, Fritz,” tipid na sabi ko nang makapasok na kami sa silid ko. Inalalayan pa ako nitong humiga sa kama saka inayos ang kumot ko.
“Don’t mention it. Teka lang at kukuha ako ng pamunas mo.” Saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto ko para muling bumaba at magtungo sa kusina. Ilang saglit lang ay bumalik din ito agad habang may bitbit na isang maliit na palanggana at may laman na maligamgam na tubig at towel. Umupo ito sa gilid ng kama ko. “Where have you been these fast few days? Bakit ka nagkasakit? Ikaw ba ay nagpapahinga pa, Portia? Baka naman inaabuso mo na ang sarili mo sa trabaho mo? Nako! Portia, sinasabi ko sa ’yo . . . hindi maganda ’yang ginagawa mo,” pagalit na sabi nito habang nagsisimula nang punasan ang mukha, leeg at mga braso ko.
BINABASA MO ANG
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco
RomancePortia's happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold...