Chapter 19

52 4 0
                                    

Kloee Salvador Pov

Magsasalita na sana siya ng bigla may kumatok sa pinto. Agad kami naghiwalay sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Tinignan naman niya ako bago buksan ang pinto tumalikod ako sa pinto. Ramdam ko naman ang pag click ng door knob.

"Nakakaistorbo po ba? " asar na tanong ni Camille sakanya. Kapal rin eh Professor ang tinatanong niya ng ganun ah.

Pagkatapos ko mag punas ng luha tumayo na ako sa drums at kinuha ang eg ko. Ramdam ko ang tingin ng kabanda ko saakin. Rinig ko ang buntong na paghinga pero hindi ko alam kung sino yun.

"Alright! Everybody is present? " tanong ni Ma'am.

"Yes po. " sagot naman ni Wuan.

"Alright prepare your needed I'll just get something. " banggit ni Ry. Nang makaalis siya ramdam ko ang tingin ng mga kaband ko.

"Nyare huy? " agad na tanong ni Camille. Umiling naman ako.

"Eto nanaman tayo Sky eh." Inis na saad ni Camille.

"Wag ngayon. " banggit ko. Umirap naman ito. Yung iba nag prepare sa instrument nila. Pero si Chezka nanatili nakatingin saakin. Nilapitan naman ako nito.

"Ano? Umamin ka tas reject? " tanong niya.

"Baliw hindi. " sagot ko.

"Tamo hindi ka pa naamin niyan ah. Pero halos bagsakan ka na ng lupa sa iyak mo. " Umirap naman ito.

"Pagdating samin ang tapang mo. Pag sakanya para kang yelo natutunaw. "
dagdag pa niya.

Magsasalita pa sana ito ng pumasok na si Ry. Sandali na tumingin ito saamin bago tuluyan mag lakad sa gitna.

"Okay! We're gonna check again our song. Alright?! " tanong niya.

Napabuntong hininga na lang bumalik si Chezka. Habang si Ry nakatingin sakin. Ngumiti naman ako ng pilit sakanya.

"Alright! " paglead ni Ry samin. Nagsimula na kami tumugtog.

Mga ilang oras natapos rin kami.

"I think we're all good. Okay na tayong lahat! It's a wrap! Be ready na lang. Let me check first our schedule for our last practice. But today it's a wrap! " nagpalakpakan naman yung iba habang ako tahimik inaayos ang eg ko.

"Follow me. " ramdam kong bulong sa likod ko. Boses pa lang alam na. Napakagat labi naman ako. Ano idadahilan ko? Bakit ko pa ba kasi siya tinanong? Magiging torpe ba ako? Aba professor ko siya. Magugulat talaga siya kung umamin ako. Kung hindi ako aamin ano idadahilan ko?

"Alright I'll go already. " paalam ni Ry kaya napalingon ako sa gawi niya sakto sakin din siya nakatingin sumenyas naman siya. Tumango ako.
Nang makaalis siya naiwan ako kasama sila Camille. Lumapit naman si Chezka. Alam ko na. Hinigit ko naman ang braso nito palayo kela Camille.

"I need your help. " panimula ko sakanya. Napakunot naman ang noo niya. No choice ako kung hindi ikwento sakanya. Matapos ko ikwento lalo kumunot ang noo niya.

"What the? " tingin niya saakin.

"Ano idadahilan ko huy mamaya ka na mag react diyan. " inis kong saad.

"Aba malay ko sayo. Problema mo yan. " napakunot naman ang noo ko.

"Parang hindi kaibigan eh. " sagot ko.

"Wala pa kayo niyan ha. Pero halos hindi mo na alam gagawin mo. " napabuntong hininga naman ako.

"Alam straight to the point. Ayaw mo maging kami noh? " Kada tutulong ako or may nagagawa ako problema lagi siya nag rereact ng ganyan.

Unexpectedly, My World Always Revolves Around You.Where stories live. Discover now