Chapter.2
NANDITO kami ngayon sa bilihan ng milk tea sa mall dahil pinapa-rebond ko at pinapa ayusan ko si Ahlisa sa favorite kong puntahan na salon dito sa mall.
Dahil gustom na kaming lahat ay sinamahan ako ni Zanice sa jolibee at nag take-out ng makakain namin at tsaka dumiretso dito sa may milkteahan.
Thirty minutes din kaming wala sa salon dahil iniwan namin si Ahlisa doon sa salon.
Pagpasok naming dalawa sa salon ay nagulat na lang kami nang makita si Ahlisa na sobrang ganda.
"Shet!" napamurang usal ni Zanice nang makita ang kagandahan ni Ahlisa.
"Sabi ko na! Lalabas ang tunay mong ganda kapag na ayusan ka." papuri ko kay Ahlisa.
"Sa-salamat!" nahihiyang sambit nito. "Pero hindi naman ako gaganda nang ganito kung hindi dahil sa tulong mo, kaya sobrang salamat sa tulong." sobrang pasasalamat nito.
Agad akong bumuntong hininga bago magsalita at bahagyang lumapit sa kan'ya. "Anong sabi ko sa'yo nang una tayong mag meet sa may storage area ng school?" pag-uungkat kong tanong sa kan'ya.
"Na ang ganda ko kahit na wala akong kolorete sa mukha." sagot nito.
"Humanda ang mga bruha na 'yun sa lunes!" singhal ko at ngumisi.
"Natatakot ako na baka laitin parin nila ako kahit na new look na ako!" bakas ang takot sa pananalita nito.
"Baka lunukin nila lahat ng sinabi nila kapag nakita nila na mas maganda kapa kesa sa kanila!" singhal naman ni Zanice.
"Kung ako sila ay ma-iinsecure ako ng sobra na mas maganda pa pala sa akin yung binubully ko noon." prangka kong sambit sa kan'ya.
"Kaya let's eat na para pagkatapos natin kumain ay makapag shopping na tayo ng mga bagay na damit sa kan'ya." puntong sambit ni Zanice.
"Gutom ka lang e!" pang-asar ko sa kan'ya.
"Hindi mo na kailangan mag-abala pa ng sobra, Kyori, okay na 'to." sambit sa akin ni Ahlisa.
"But it is not enough for me!" I answer to her.
"Ahlisa. Masamang tumatanggi sa blessing!" pilyang sambit naman ni Zanice kay Ahlisa.
"Correct. Saluhin mo lang lahat ng blessing ko sa 'yo." naka ngiti kong sambit kay Ahlisa.
"Sobra-sobra na kasi, nakakahiya." nahihiyang sambit nito sa akin.
"Don't be shy. Dahil kaibigan kana namin." sabi ni Zanice kay Ahlisa.
"Just remember that the reason I'm helping you is to get back at them all when they bullied you. Deserve nilang ma-insecure sa ganda mo." sambit ko sa mahiyain kong kaibigan.
Kaya agad na kami lumabas ng salon at nagbayad na ng bill namin doon at binigyan ko rin ng tip yung nag rebond kay Ahlisa at naglagay ng nail extension niya sa daliri. Ang ganda kasi ng pagkaka gawa nila.
They deserve it.
Kumakain kami ngayon dito sa may canteen ng mall dahil bumili nga kami sa jolibee nang makakain namin.
Hindi namin maiwasang mailang sa takaw tingin ng mga lalaking kasa-kasama namin dito sa canteen. Syempre magaganda kami.
"Kyori!" biglang tawag ni Ahlisa.
"Yes?" sagot ko sabay lingon sa kan'ya.
"Hindi ko alam na mayaman ka pala?" tanong nito sa akin.
Zanice and I just looked at each other when Ahlisa asked.
BINABASA MO ANG
(FANGIRL#1) I SAW YOU FROM AFAR
RomanceMeet Kyorianna Volgandez na tinaguriang maldita, maarte, masama ang ugali ng mga estudyante sa school na pinapasukan niya. Maldrita at Delulu, Oo. But she is not really like what people around her think because she is really kind and helpful. Tinawa...