CHAPTER 6

4 1 0
                                    

Dinala niya ako sa garden kung saan niya ako unang dinala. Wala pa ring pagbabago ang lugar na ito dahil mas lalong pinaganda. Mas gumaan ang pakiramdam ko ng dinala niya ako dito. Naupo ako sa gilid ng puno habang tanaw ang mga magagandang bulaklak at kasabay nito ang simo'y ng hangin.

Lumapit sakin si lester at nahiga sa tabi ko. Nakita ko ang pagpikit niya pero agad akong umiwas. Maya maya ay nagsalita ito.

"Okay ka naba?" tanong niya. hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanahimik nalang ako. Naramdaman ko ang pagbangon niya. "Sydney.." nagulat ako ng sabihin niya ang pangalan ko, lagi naman niya akong tinatawag sa pangalan ko pero ibang iba sa ngayon, parang may kirot.

"Lester, salamat." humarap ako sa kanya at ngumiti ng sabihin iyon sabay yakap sa kanya ramdam ko ang gulat niya sa ginawa ko. Pero habang yakap ko siya ay pasimple akong umiyak hanggang sa di ko na napigilan.

"Magiging okay ka din." aniya at ramdam ko ang paghagod niya sa aking likuran.

"Sa..salamat." aniya ko na pipiyok piyok pa. Rinig ko ang pasimple niyang pagtawa. Pumiglas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ano bang nakakatawa.?" inis na sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Masama bang tumawa." aniya at mas tumawa pa ng malakas.

"Nang-aasar ka ba!?" inis na tanong ko pero natawa nalang din ako sa di malamang dahilan.

Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan tumayo. "Halika may ipapakita ako sayo." aniya.

"Diba pinakita mo na sakin, yung garden na may kakaibang mga bulaklak." aniya ko.

"Oo nga, pero may ipapakita pa ako sayo na mas maganda pa." aniya nito.

"So ibig sabihin mas marami pang magagandang bulaklak dito, hindi lang yun." aniya ko.

"Oummm." tango nito at hinila na ako palakad.

"May tatanong lang ako." aniya ko habang naglalakad kami.

"Ano naman yun." aniya.

"Muka kasing kabisado mo ang lugar na ito. Paborito mo ba dito." tanong ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

"Yes paborito ko dito at kabisadong kabisado ko ang lugar na ito. Dahil ako gumawa nito." aniya at mas lalo akong nagulat at napahinto sa paglalakad.

"Paano mo naisip gawin ito." aniya ko.

"Basta malalaman mo din ang dahilan, halika na." aniya at nagpauna sa paglalakad. Mas naguluhan talaga ako kung sino silang tatlo na bigla nalang sumulpot sa buhay ko.

Napahinto ako ng may makita akong malaking gate at puno na ng bulaklak ang mga paligid nito.

"Sandali..." tanging yun lang ang nasabi ko. Parang may sinasabi ang utak ko na gusto kong makita kung ano man ang nasa loob nito. dahil mismo ako ay kinikilabutan sa kaba.

"Bakit?" tanong niya.

"A..aaano ang nasa loob niyan.?" utal utal kong sabi habang tinuturo ang malaking gate.

"Yan ba, wala lang yan." aniya na halatang pilit ang tawa.

"Pero---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng may magsalita sa likod namin.

"Hey cousin." tawag ni reign kay lester. kasama niya si kyler. mukhang dito balak magdate ang dalawa. "Kasama mo pala si sydney. Tamang tama may dala kaming food, Sumama na kayo samin. Para naman double date." nakangiting sabi ni reign sabay akbay sa balikat ni kyler. Bakit ba ako naiirita kapag nakikita sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Three NeighboysWhere stories live. Discover now