CHAPTER 2

15 1 0
                                    


CHAPTER TWO

"Goodmorning world" sabi ko pagkagising. Binuksan ko ang bintana, dumungaw agad sakin si lester na nakasilip sa bintana ng bahay niya. Nakangisi ito ng makita ako.

"You are beautiful even when you're awake" aniya nito nakapalumbaba itong tinatanaw ang kabuuan ng mukha ko.

"Cheee!" Sigaw ko sa kanya. Sinarado ko ulit ang bintana. Tumuloy na ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay unting pulbo lang ay okay na.

Pagkarating ko sa paaralan halos kasabayan ko lang dumating ang dalawa mas nauna lang ako ng kaunti. Sumulpot ang mga babae at pumunta sa likuran ko pinagkakaguluhan na naman ang dalawa.

Ano naman kaya ang nakita ng mga babae na yan, sa dalawang yan wala namang pogi sa kanila hindi naman mayaman. Himala dahil hindi nila kasama yung isang nakaheadphone.

"Hi Sydney," nangibabaw ang tinig na yun ni reign sa harap ko. Hindi ko siya napansin.

"Hello Reign," ngumiti ako sa kanya pero hindi ko pinahalata na pilit lang iyon.

"I was looking for you yesterday. But I didn't see you. lester says you feel bad"

"Ahaha oo masama nga pakiramdam ko"

"Hi sydney" bati ni jerwin sa likuran ko. Tumabi ako kay reign at humarap sa tatlo.

Tinaliman ko siya ng tingin. "Una na ako reign," baling ko kay reign.

"What's the problem with that?" rinig kong tanong ni jerwin. Hindi ko na narinig ang sagot ni reign.

Nagpunta na ako ng room, napahinto ako dahil nandoon si headphone boy este Ruiz at ganun pa din siya nasa tenga ang headphone, hindi na ako magtataka isang araw ay sira na ang eardrum niya.

Nang makita kong inalis niya ang headphone at sinabit sa leeg at aakmang tatayo na ay bigla akong yumuko baka isipin niya pinagnanasaan ko siya.

"Hey you, get out of the way" nagulat ako ng magsalita siya sa harapan ko, nun ko lang nalaman na nakaharang pala ako sa pinto. Napapikit nalang ako sa katangahan ko. Bakit ba lagi akong minamalas kapag sila nakikita ko.

"Bro you're here." aniya ni jerwin na bigla nalang sumulpot ang sa likuran ko kasama si lester.

"You're just here, we were looking for you" aniya ni lester.

"Magkasama pala kayo ng cute na kaibigan ni reign." aniya ni jerwin na nakatingin sa mukha ko.

"She is not cute for me." seryosong sabi ni headphone boy.

Inangat ko ang mukha ko at tumingin kay headphone boy ng masama. "Hey, let me tell you. Even though I'm not pretty, my heart is good. Yes, you are handsome but you have a bad attitude." inis na sabi ko at iniwan sila. Nakasalubong ko pa si reign tinawag niya ako pero di ko siya pinansin.

Lester Pov's

"You never said she wasn't beautiful." natatawang sabi ni jerwin.

Wala naman sinabi si kyler na pangit siya pero bakit galit na galit siya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang babaeng yun, pero natutuwa ako sa kanya dahil siya palang ang nakagawa ng ganun kay kyler.

"She is stupid girl." seryosong aniya ni kyler na iiling-iling pa.

Pumasok na kami ng room dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.

My Three NeighboysWhere stories live. Discover now