Chapter 1Sydney Pov's
"Anak, mag-iingat ka doon" aniya ni mama tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko.
"Opo mama," aniya ko.
""Kumpleto naba ang mga gamit mo" tanong ni mama.
Tinignan ko ang bawat maleta na dala ko "opo, okay na mama"
Beeeeeeeeepppppp !!!
"Nandiyan na ang taxi anak, halika at ihahatid na kita sa labas" tinulungan ako ni mama magbuhat ng mga gamit ko.
"Mama, hindi ka ba pwede sumama nalang sakin" maya-maya ay sabi ko paglabas ng bahay.
"Anak, alam mo namang may trabaho ako dito at hindi naman pwedeng palaging kuya mo ang aasahan natin" malungkot na sabi ni mama.
"Wag po kayong mag-alala. Pagdating ko dun maghahanap din ako ng trabaho" masayang sabi ko.
" Nanduon ka anak, para mag-aral hindi magtrabaho"
"Alam ko po. Pero pwede ko naman yung pagsabayin"
" Basta anak, hindi ka pwedeng magtrabaho. Sa pag-aaral mo ituon ang sarili mo" hinagod ni mama ang buhok ko.
"Sige na mama mauna na ako"
"Anak, yung sinabi ko sayo kanina" aniya ni mama.
"Opo mama, alam ko na po"
" Wag mo papabayaan ang sarili mo, kumain ka sa tamang oras, wag kang magpupuyat, mag-aral kang mabuti,wag ka mun---" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin ng nagsalita ako.
"Mama, alam ko na po ang mga yan" aniya ko. "Paulit-ulit naman po kayo" dagdag ko.
"Sorry anak," niyakap niya ako. "Tuwing day-off ko pupunta ako doon, para dalawin ka."
"Sige na mama, aalis na po ako" sumakay na ako sa loob ng taxi. Binuksan ko ang bintana. "I love you mama," sigaw ko. Nakalusot ang ulo ko sa bintana ng taxi, tinanaw ko ang mama ko, nakita ko ang pagkampay ng kanyang kamay.
Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot habang nasa biyahe. Ngayon palang kami magkakahiwalay ni mama sa buong buhay ko. Simula kasi nang maliit pa ako hiwalay na ang mga magulang ko ni hindi ko nga alam kung ano itsura ng papa ko. Kahit na isang litrato ay wala akong makita sa bahay. Si kuya na ang tumayong ama para sakin, pagdating kasi sakin away niya ng nakikitang umiiyak ako o mas lalong inaaway ng kung sino lagi siya nasa tabi ko pero simula nung nag-ibang bansa siya wala nang nagtatanggol sakin. Lagi naman siya tumatawag halos araw-araw kausap ko si kuya pero hindi parin sapat yun, dahil iba parin kapag kasama ko si kuya.
"Nandito na po tayo" maya-maya ay sabi ni manong driver ng mahinto ang sasakyan.
"Manong, ito po ang bayad" abot ko ng pera ng maibaba namin lahat ng gamit ko. "Salamat po ulit."
YOU ARE READING
My Three Neighboys
RomanceSydney grew up with her parents apart. Only his mother and older brother live on her. His older brother was abroad to work, returning home only three years later. So sydney planned to move out of the house because of her education. She got a scholar...