SYDNEY POV'S
Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan ba talaga si kyler at parang ganun padin sila normal na pumapasok. Kaya nang matapos ang klase ay sabay kaming umuwi at doon kinausap ko sila dahil hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa kanila.
"Sandali lang." panimula ki ng usapan.
Napatingin silang dalawa sa akin. Naiyak na ako sa pag-aalala pero parang sila ay hindi. "Teka, bakit umiiyak ka." aniya ni jerwin.
"Kasi nag-aalala na, pero kayo parang wala lang. Diba kaibigan niyo siya." aniya ko habang humihikbi.
"Hindi naman siya kaibigan, magkakapatid na ang turingan namin." aniya ni jerwin.
"Tama si jerwin, wag ka na mag-alala sa kanya. Okay lang siya." nakangiting sabi ni lester.
"Naguguluhan na ako sa inyo." aniya ko. wala na akong masabi dahil hindi ko na maintindihan lahat.
"Malalaman mo din." aniya ni lester at hinagod ang likod ko.
"Pwede na ba tayo umuwi." singit ni jerwin na nauna ng maglakad.
Sana nga ay okay lang siya, mas gagaan ang pakiramdam ko kung ganun pero sa ngayon hindi pa mawawala ang pag-aalala ko hanggat hindi kita nakikita.
Kinaumagahan nakarinig ako ng sumisigaw sa labas kaya hinawi ko ang kurtina mula sa aking kwarto at nanlaki ang mata ng sa bahay pala ni lester at jerwin ang sigawan. Isang medyo may edad na babae ang kausap nila at may sampung guard na kasama, naalala ko bigla na ganyang ganyan ang suot ng mga guard ang kumuha kay kyler. Bago ako makita ay sinarado ko ulit ang kurtina at pinagkinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"I thought you were good friends for my son, but I was wrong." aniya ng babae. Tama ba ang rinig ko son, anak niya si kyler.
"Auntie, we just did what we had to do." aniya ni lester.
"You did the right thing, but you didn't know that you put my son in danger." galit na sabi ng babae.
"Isn't it aunty, What you did. You are the one who put him in danger." mayabang na sagot ni jerwin dito.
SLAAAAAP!!!!
"You have no right to tell me that, because your family still depends on me" aniya ng babae. sumilip ako ng kaunti sa bintana. Pasakay na sana ang babae ng magsalita si jerwin.
"Remember, kyler wouldn't be like this if you didn't...." hindi natuloy ni jerwin ang sasabihin dahil pinigilan siya ni lester.
Mas lalong nabuo ang kuryosidad sa aking isipan ng marinig ko ang mga bagay na iyon. Natigil lang ako ng may magsalita.
"Narinig mo ba lahat." aniya ni lester. Teka, ak ba ang kausap niya. "Magpakita kana diyan, nakita ka namin kanina." dagdag pa nito.
Lilitaw na sana ako sa bintana ng may magsalita kaya napaupo ulit ako. "You saw me." rinig ko ang boses ni reign.
"Why are you hiding, Don't you want aunt to see you?." aniya ni lester.
"Bro, you know why." aniya ni jerwin
"Stop it! jerwin." naiinis na sabi ni reign. Ibig sabihin dapat nasa abroad na ngayon si reign para mag-aral pero nandito siya.
YOU ARE READING
My Three Neighboys
عاطفيةSydney grew up with her parents apart. Only his mother and older brother live on her. His older brother was abroad to work, returning home only three years later. So sydney planned to move out of the house because of her education. She got a scholar...