Chapter 3
Matapos ang klase sa last period ngayong umaga, mabilis lamang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. I fixed my things, ready to head to the cafeteria for lunch. Just as I was about to leave, a sudden pinch on my waist nearly made me throw a punch.
"Ano ba! Ba't ka nangungurot?" Sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong walanghiya. She just smiled so I frowned, feeling a bit strange because of the way she acts. "Ano na namang nangyari?"
Kinuha ko lamang ang lunch box ko sa bag at inayos ang sarili bago lumabas ng room. Jedidah followed me anyway so I didn't question it any longer. Kaya lang, bakit naman siya susunod dito sa akin sa cafeteria gayong madalas na pumupunta dito ang isang maid nila para dalhan siya ng makakain.
"Hoy, Jed, bored ka ano?" I nudged her elbow.
Tinawanan niya ako. "Bakit ba? Masama bang sumama? Bibili rin naman ako. Nauumay na ako sa palaging dinadala ni Ate Marie," sagot niya. She's referring to the one of their maids.
"Talaga lang, ha?" Medyo sarkastiko ang tono ko. She just laughed as a response. Sino ba naman ang mauumay sa mga pagkaing masasarap? Araw-araw kayang beef steak, chicken, o kahit ano pa ang dinadala sa kanya na pagkain na halatang hindi ko afford.
"Tyaka war kami ni Mommy ngayon." She shrugged her shoulders. "Argh! Nakakainis!"
I watched how she carries herself and how she reacts, getting annoyed just at the mention of her 'war' with her Mom. Honestly, Jedidah is so lucky to have her life, thanks to her wealthy parents, especially her father. She gets everything she wants, to the point na mabilis na lang siyang mag-complain na nagsasawa na siya dahil dito.
Sana gano'n din ang problema ko.
But I can't help but wonder sometimes that my mother, who's also part of that family, doesn't seem to share in the same fortune. Parang siya lang 'yong napag-iiwanan. I don't know about my mother's background either, hindi rin naman kasi niya sinasabi kung bakit samantalang mayaman naman talaga ang mga magulang at kanyang mga kapatid.
But here we are, being completely left behind. Honestly, I would give anything just to have a life like theirs.
"Anong nangyari sa inyo ni Tita?" mahina kong tanong. Nakapasok na kami sa cafeteria at agad pumila. Bibili lang naman ako ng ulam dahil kanin lang ang madalas kong pambaon.
"Huwag mo na lang pansinin. Naiinis lang ako dahil habang tumatagal, pahigpit siya nang pahigpit. At isa pa..."
She stopped midway as she gulped heavily. Lumamya ang mga tingin niya at halatang masama ang loob niya sa kanyang ina.
"Ano?"
"Ipapakasal niya raw ako sa anak ng business partner nila ni Dad kapag... kapag hindi ko siya sinunod sa mga gusto niya."
Natigilan ako ro'n. I didn't know there was something going on like that in their family. Mga mayayaman nga naman.
I looked at her eyes, seeing how worried those gaze of hers, pero halatang pinipigilan niya lang na huwag ipakita ang mga emosyon sa mata niya. She's good at acting it tough, but I, myself, can see through it.
Nakukuha niya nga ang mga kagustuhan niya, except sa kalayaan niya. I suddenly feel bad.
"Ano, Jed, kakain ka ba o hindi?" Tinaasan ko siya ng kilay. I'm halfway through my meal, but she hasn't touched any of her food yet.
"Hindi ko alam ang lasa ng gan'tong pagkain sorry... S-Sa 'yo na lang..." nahihiya niyang sagot habang nakatingin sa ulam niyang dinakdakan. Hindi naman halatang nag-iinarte siya, I understand that she just isn't used to this kind of food.
BINABASA MO ANG
Swaying Through the Sand (Sun Rays Series #3)
RomanceSun Rays Series #3 Rhyolite is a diligent daughter and sister who strongly believes in shouldering the responsibility of being the firstborn. Sheʼs driven by the thought that as the eldest, she must lead, aware that privileges arenʼt in favor to her...