CHAPTER 2

182 4 0
                                    

Chapter 2

Mahirap maging mahirap.

For so long, I believed that hard work could aid us overcome hardship. However, how can I move forward when those who should be supporting me seemed to be blocking my footsteps?

Pero... mukhang nagmamadali lang ako.

I wish I had enough patience to fuel the fire of my conviction that this is only the beginning of what lies ahead. I want to have more courage to accept that these hurdles are just... stepping stones to my success. However, in reality, it all feels like a collection of wishes.

O baka nga... masyado lang akong nagmamadali.

I understand now that I must first commit myself to hard work. And I guess... kailangan ko nga muna talagang maghirap. 

"Ito na nga lang ang paraan mo para makabayad ng utang na loob, ipagdadamot mo pa? Bakit, Rhyo? May napatunayan at ibubuga ka na ba kaya gan'yan na lang ang kung makapag damot ka sa 'kin?"

Napayuko ako sa mga salita ni Mama, hindi ko kayang sumagot sa kanya pabalik. Bukod sa matalas ang kanyang dila, kung sasagot man ako ay paniguradong pupunahin niya rin.

"Ano? Naputulan ka ba ng dila't hindi ka makapagsalita?" Suminghal siya at nilagpasan ako, papunta siya ngayon sa sala.

"H-Hindi sa gano'n, Ma. 'Yong pera kasi na 'yon ay para sa baon nina Rylle at River sa isang ling—"

She slammed her hand on the wooden sofa as she stab me with a sharp glare. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko. Kinakanahan ako, oo. Umatras tuloy ang dila kong makapagsalita.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko," mariin niyang wika.

With no hesitation, I went to our bedroom. Naabutan ko pa ang mga kapatid ko sa pinto ng kuwarto na tila ba ay nasaksihan nila ang nangyari.

"Pasok na kayo sa kuwarto. May pasok bukas," mahinahon kong sabi sa mga bata.

"Ate, okay ka lang ba?" biglang tanong ni River. She looked at me with her eyes full of concern.

I smiled shortly. "Oo naman. Huwag niyo 'kong alalahanin."

"Galit ba si Mama sa 'yo, Ate? Ibig sabihin, galit din po ba siya sa amin—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Rylle. "Hindi, Rylle. Hindi siya galit sa inyo. Sige na, matulog na."

"Ate... tulog na tayo..." mahinang tawag ni Rhodo sa akin na halatang inaantok na.

I told them to get inside already, agad naman silang sumunod. Kinuha ko saglit sa aparador namin 'yong wallet na tinatago ko dahil nandoon ang pera na naipon ko para sana sa pambaon namin. Pero dahil kailangan ni Mama ng pera, nanghingi na naman siya sa akin.

It's not that I don't want to give her the money, but her reason is what's making me hesitate. How could she spend her own money gambling all day, completely ignoring us? It's like she forgets she has a family to take care of. It feels like... she couldn't care less about us.

Tapos ngayon, nanghihingi siya ng pera sa 'kin na ipambabayad niya raw sa utang. Nalaman niya kasi na ako 'yong nagbayad ng utang niya kay Manang Calla noong nakaraang dalawang linggo.

"Mas gusto mo pa kasing sinasagad ang pasensya ko," muling komento ni Mama nang makabalik ako sa kanyang direksyon at binigay ang perang kailangan niya.

Nakakasama ng loob, sa totoo lang.

I let my siblings sleep first while I was the one who's humming a lullaby song for River and Rhodo. I guess, magtitipid na kami ng kuryente. Hindi ko pinaandar ang electric fan namin kaya tanging kulambo lang ang gamit namin.

Swaying Through the Sand (Sun Rays Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon