DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the authorʼs imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.PLAGIARISM IS A CRIME
NOTE
This story is written in taglish. Expect grammatical error, typographical error, and misspelled words. Playlist will be posted soon as I finished the story.Letʼs treat each other with respect as well. As I wrote this story, I hoped you all would read it with the same intention.
══════ ☆ '𖦹. ★ ══════
PROLOGUE
"Rhyo, puwede ka nang umuwi. Kailangan ka ng mga kapatid mo."
Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa counter sabay ayos sa mga naka-display na candies. Tinignan ko muna ang oras sa wall clock na malapit sa entrance ng convenience store na pag-aari ni Tita Eliza bago tumingin sa kanya.
"Okay lang, Tita. Susulitin ko na po ang pagta-trabaho rito habang 'di pa nagsisimula ang school year." I smiled to assure her that it's not a big deal.
I've been working here at Tita Eliza's convenience store—Daybreak Store. I started working here during my vacation after finishing Grade 9. I desperately needed to earn money while it was still early because the next school year was already approaching. Grade 11 na ako sa susunod kaya kailangan ko nang mag-ipon. I don't want to be a burden any longer to my mother's finances.
Ako ang panganay kaya ako ang inaasahan niya. Para sa kanya, na kalaunan ay para na rin sa 'kin, mas kailangan ng mga nakababata kong kapatid ang gastusin. Ayoko na rin naman maging pabigat.
"Rhyo, okay lang. Sa Sabado ka na lang bumawi," wika ni Tita Eliza. "Siguradong wala pa ang Mama mo ngayon sa bahay niyo. Alam mo naman 'yon."
Napabuntong-hininga ako. Magkapatid sina Tita Eliza at Mama. Mabait si Tita; tinuturing niya na akong isa sa mga anak niya dahil 'yong tatlo niyang anak ay nasa ibang bansa.
Marami pang kapatid sina Mama at Tita Eliza, isa na roon si Tita Juvia, ang Mommy ni Jedidah, na nasa ibang bansa rin.
"Salamat, Tita. Promise babawi ako." I scratched my nape before heading into the staff room to change my clothes.
Tinanggal ko ang uniform ng convenience store at nagpalit ng simpleng T-shirt at PE pants na pinaglumaan ko. Pants ko pa iyon noʼng Elementary ako. Ang comfy kasi kaya gusto kong sinusuot 'yon.
"Kuhanin mo 'tong pagkain, paghatian niyo ng mga kapatid mo. Baka mamaya maabutan mong hindi pa sila kumain dahil wala pa ang Mama mo," Tita Eliza approached me when I went out the door.
Kinuha ko ang isang malaking paper bag sa kanya. Amoy na amoy ko agad ang pagkain na nasa loob nito.
"Thank you, Tita! Promise talaga, babawi ako! Hindi kita bibiguin!"
Nakatutuwa lang dahil may pagkain na kami, hindi ko na kailangang magluto mamaya pag-uwi ko. Aba, gusto ko na lang magpahinga sa ganitong oras.
10 o'clock nang lumabas ako sa convenience store. Mabuti't kaunti lang ang lalakarin ko papunta sa paradahan ng tricycle malapit lang sa mall.
"Oy, Litlit! Hindi ka na talaga sasali sa sayaw para sa next week?"
Lumingon ako sa grupo ng mga kabataang kasing-edad ko lang nang tawagin ako. My brows knitted upon hearing my nickname. Nandito na ako malapit sa mall at nakasalubong ko sila. They are my dancemates.
BINABASA MO ANG
Swaying Through the Sand (Sun Rays Series #3)
RomanceSun Rays Series #3 Rhyolite is a diligent daughter and sister who strongly believes in shouldering the responsibility of being the firstborn. Sheʼs driven by the thought that as the eldest, she must lead, aware that privileges arenʼt in favor to her...