33. POLDO

87 3 1
                                    

POLDO

Nagtatakbo ako papunta sa bahay ni Tasya. Pumasok ako sa maliit na gate at agad na kumatok sa pinto ng bahay.

"Tasya! TAsya!" malakas na sigaw ko habang patuloy na kumakatok.

Hindi siya pwedeng umalis. Nahanap ko na siya tapos aalis na naman siya? Hindi ako papayag.

"TASYA!"

"Hoy, anong ginagawa mo?" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Pinang.

"Where is she?" agad na tanong ko sa kaniya.

"Wala ba diyan?"

"Tatanungin ba kita kung nandito siya? I keep on knocking her door, but no one opens it. I told you to watch her; now tell me. Where is she?"

Binabayaran ko siya para bantayan si Tasya. Kaya dapat alam niya kung nasaan ang babaeng mahal ko.

"Hindi ko alam."

Nagsalubong ang mga kilay ko at matalim na tumingin sa kaniya.

"Anong hindi mo alam?"

"Nasa palengke ako. Nagtungo siya doon kanina akala ko umuwi rin siya. Naghahanap siya ng santol."

"Santol?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Bakit naman maghahanap ng santol si Tasya? Mahilig ba siyang kumain noon?

"Sa tingin ko, buntis siya. Hindi ba at may --"

Hindi na nito natapos ang sasabihin at agad na ko na siyang iniwan. Ano mang sasabihin niya ay hindi na mahalaga. Tanging ang kaalamang buntis ang babaeng mahal ko ang nasa isip ko.

Kung buntis siya. Mas lalong hindi siya pwedeng lumayo. Hindi ko hahayaang makalayo pa siyang muli sa akin. Hahanapin ko siya. Maaring hindi pa siya nakakalayo.

Muli akong humakbang para bumalik sa kotse ko, pero hinarangan ako nina Kaloy.

"Bakit mukha kang aligaga? Babalik din naman si Tasya sabi niya," ani NI Berting.

Duda akong babalik pa siya. Pakiramdam ko lalayo siya at hindi ako papayag na makatakas pang muli si Tasya. Ginawa ko na ang lahat para mapalapit sa kaniya, akala ko nagiging close na kami tapos bigla na lang siyang naging malamig sa akin tapos ngayon tuluyan na siyang lumayo.

Ngayong maaring buntis siya mas lalong hindi ako papayag na mawala pa siyang muli sa akin.

"May alam ba kayong kamag-anak niya na pwede niyang puntahan?" tanong ko sa kanila. Matagal na nilang kakilala si Tasya kaya maaring may kilala sila.

"Wala, patay na ang mga lolo at Lola niya, iisa lang ang anak niya ang nanay ni Tasya pero kamamatay lang din ng nanay niya. Iyong tatay naman niya, ayaw sa kaniya noon."

Naalala ko ang ama nito. Alam ko na isa ring Suarez si Tasya ngunit hindi maganda ang relasyon nito sa ama. Isa iyon sa mga nalaman ko habang nanatili dito sa San Vicente. Ang kalaban ng ama ko sa negosyo ang tunay na ama ni Tasya.

Pero maaring may kinalaman ito, hindi ko pwedeng baliwalain na lang ang posibilidad na iyon.

Mabilis na bumalik ako sa kotse ko, tinatawag pa ako nina Kaloy pero hindi ko na sila nilingon. Kailangan kong mahanap agad si Tasya.

Tinawagan ko si Jago. Mas nauna siyang umalis ng bahay sa akin kanina dahil may gagawin daw siya. Maaring inutusan siya ng ama ko.

Kulang na lang ay libutin ko ang buong San Vicente pero hindi ko mahanap ang kahit na anino ni Tasya. Tila parang bula itong naglaho.

Tumigil ako sa tapat ng isang terminal. Sinubukan kong magtanong kung nakita nila si Tasya. Pinakita ko sa kanila ang larawan nito na nasa selpon ko pero wala daw silang nakita.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon