NATASHA
Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Kailangan ko munang puntahan sa ospital ang aking ina bago ako hahanap ng paraan kung paano magkakaroon ng pera upang ipambayad sa operasyon niya.
Hindi tumupad sa usapan ang magaling kong ama. Napakawala talaga niyang kwenta. Kumpara sa aming mahihirap, barya lang ang hinihingi ko sa kanya pero hindi pa niya iyon maibigay. Tinapon ko na lahat ng pride ko ng lumapit ako sa kanya pero nagsayang lang pala ako ng oras at panahon. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang gaya niyang walang isang salita?
" Good morning, Tasyang!" nakangiting bati sa akin ni Kaloy.
Ang aga-aga pero hindi kape ang iniinom ng mga ito kundi lambanog na agad. Balak yata nilang magsunog ng baga ng husto. Lalo na itong si Kaloy, parang kalansay na sa kaiinom.
"Good morning. Ang aga naman yata ng pag-iinom ninyo? Hindi pa man lang sumisikat ang araw pero may mga tama na agad kayo." Sanay na akong makita sila tuwing umaga dito sa may kanto na tumutuma. Kaya madalas kabatian ko na sila. Hindi naman ako isnabera gaya ng iba para hindi pansinin ang mga gaya nila lalo na at wala naman silang ginagawang masama.
Mababait naman sila kaya hindi na ako naiilang sa kanila kahit mga lasenggero pa sila. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanila. Dito naman sa lugar namin, mababait ang tago basta huwag kang mauunang manggago.
"Pampainit lang ng sikmura. Pupunta ka ba sa nanay mo? Hatid na kita," pagmamagandang loob ni kaloy at tumayo ito sa pagkakaupo niya para magtungo sa isang nakaparadang pedicab.
"Naku hindi na. Nakaka-abala pa ako sa iyo. Mamamasahe na lang ako."
"Hatid na kita. Huwag ka nang maarte, maganda ka lang pero hindi kita type," anito na ikinatawa ko. Sanay na ako sa ganyang mga biro niya.
"Hambog!" sigaw ng barkada niya.
"Hindi ka gwapo Kaloy."
"Hindi mo type si Tasyang kasi alam mo hindi bagay ang ganda niya sa mukha mong parang mangga," patuloy na pangangantiyaw ng mga kasama niya sa inuman. Itinaas lang ni Kaloy ang gitnang hintuturo sa mga ito.
Naiiling na lang ako na sumakay sa pedicab niya. Hindi na ako nag-inarte pa dahil ayon na nga sa driver hindi raw niya ako type kaya safe na safe ako sa kanya. Isa pa nagmamadali na rin ako.
"Nabalitaan mo ba ang nangyari kagabi?" biglang tanong ni Kaloy habang nagpapadyak.
"Huh?" Napatingin pa ako sa kanya habang kunot ang noo. May nangyari ba kagabi na hindi ko alam?
"Nasunog ang pabrika ng mga Suarez. Naagapan naman pero malaking bahagi ang natupok na ng apoy buti na lang walang tao sa loob ng mga oras na iyon kaya walang nasaktan," pagkukwento nito na lihim kong ikinangiti.
Kung sa iba masamang balita ang narinig ko, pwes sa akin good news iyon. Alam kong maraming maapeektuhan na trabahador pero hindi maiwasang magdiwang ng puso ko na malamang may nangyaring alam kong ikinakagalit na ng husto ni Minandro, lalo na at mukhang pera ang matandang iyon.
"Karma lag siguro iyon sa kanila," mahinang saad ko.
"Huh?"
"Wala, sabi ko mabuti walang nasaktan."
Wala akong pakialam kahit masunog lahat ng pabrika ng mga Suarez. Dito sa bayan namin, tinitingala ang pangalan nila. May malaki silang pabrika na pagawaan ng mga plastic na kasangkapan sa bahay bukod pa doon may pabrika rin sila na pagawaan ng coconut oil para sa pagluluto.
Hindi niya binigay ang perang hinihingi ko pero mas malaki ang nawala sa kanya. Iyon ang napapala ng sakim at madamot na gaya ng aking ama. Mabuti nga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dargan Series 5: Poldo is Rich
Ficción GeneralDARGAN SERIES 5: Poldo is Rich Leopoldo is one of the Dargan Twins. He was born with a silver spoon and can get everything he wants with one snap of his finger. Poldo is an elusive man who only cares about money and his status. He believes that ever...