15. POLDO

137 6 0
                                    

"Boss, pakiramdam ko pinatapon kayo pansamantala ng tatay n'yo dito sa San Vicente," saad ni Jago nang muli siyang pumasok sa kotse matapos niyang buksan ang gate ng bahay kung saan kami tutuloy na dalawa. Habang ako naman ay komportableng nakaupo lang sa passenger seat.

Dad didn't allow me to go back to San Vicente unless one of his men would go with me. And Jago is one of his trusted men, and the only one I know, that's why I chose him. Alam ko na pinasamahan niya ako sa tauhan niya hindi dahil kailangan ko ng bodyguard gaya ng sinasabi niya kundi dahil kailangan niya ng mata sa akin habang nasa malayo ako. Kiala ko na ang ama namin. Gusto nito nalalaman ang bawat galaw namin lalo na ni Ludwig. Pero wala naman siyang magagawa kahit anong gawin ko.

Dad asked me to teach his enemy a lesson, and I am already done with it. Nagbabalik lang ako dito dahil nahanap ko na ang matagal ko nang hinahanap. Sa wakas nakita ko na rin siya.

"He did not. It's my choice to stay here."

"Sus, h'wag n'yo nang itanggi. Baka binibigyan kayo ng punisment ng tatay n'yo. Alam na ba niya nilalagari mo si Diana?" may malisyosong ngiti ito habang nakatingin sa akin at hinihintay ang tanong ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"How did you know?"

"Sa mansyon siguro nanay n'yo na lang ang hindi nakakaalam. Syempre magagalit si Madam at siguradong lagot ka kaya." Tinikom nito nang mahigpit ang bibig at kunwari ay nilagyan ng zipper.

Mabuti naman kung ganoon. Dahil kapag may nagsumbong kay Mom, siguradong sasakit na naman ang tenga ko sa bunganga niya.

"She's hot."

Nag-thumbs up siya sa akin.

"Bilib na talaga ako sa inyon ni Leonidas. Pareho kayong matinik sa chicks. Send tips naman, sir Fifth," malaki ang ngising saad nito.

"Tips? My only tip I can give to you is you need to have a face like this," I said, showing him my handsome face.

I am too handsome, no one can resist my charm. I can get every girl I want, and soon she'll be mine too. She is the only one I want.

"Boss, huwag n'yo nang ipamukha na hindi ako mukhang pinagpala." Lukot ang mukha nito habang nagsasalita.

Hindi ko naman sinabing pangit siya. Kasalanan lang niyang aminado siya.

Jago is a bit older than me. He is bald, but his mustache is too thick. He has big eyes and a slightly flat nose. He is not ugly, but he is not handsome either. He is not small, but I am taller than him. He is good at his job; the only thing I hate about him is that he talks a lot. I hate noisy people, except girls beneath me who are screaming my name.

"Hindi ka naman pangit. Wala ka lang talagang laban sa kagwapuhan ko," I said, smirking.

"May paparating po bang bagyo?"

"Shut up and let us just get inside."

Nasasawa na akong sumagot at sakyan ang mga sinasabi niya. I am trying to joke with him, but he didn't know how to ride on. Tsk.

"Dito talaga tayo tutuloy. Eh, mukhang haunted house na iyang bahay." He even scratched his head while looking at the house in front of us.

He complains a lot, like a girl. Ang arte-arte niya samantalang barong-barong nga lang ang bahay niya bago siya nagtrabaho kay dad.

Tumingin ako paligid. Halatang luma na nga ito. Panahon pa yata ni kupong-kupong ang bahay. Capiz pa ang bintana nito at mataas na ang mga damo sa paligid.

Medyo tago ang lugar. This is the best place for business. A secret place for all the rich men who want to waste their money and for me to be richer.

I did not speak. I just got out of the car while scanning the place. Kaunting linis at renovate lang siguradong magiging maganda na ulit ang lahat. This is one of my dad's house na napabayaan na. Minsan na akong nakapunta dito pero bata pa ako.

Dad loves buying properties, but he can't take care of all of it, gaya nitong bahay. At ang bahay na ito ang hiningi kong kapalit ng ipinag-utos niya sa akin. I am his son, pero wala ng libre sa mundo ngayon. After all, he knows that we are both businessmen. I will not follow his order unless I can gain something from it.

I look at the dry fountain in front of the house. The house is far from the main gate because there is a long pathway before the front door.

I get the key inside my pocket and put it in the key hole while Jago is still eyeing the surroundings.

He immediately followed me when I went inside the house. The first thing you can notice when you enter is the grand staircase and the big chandelier.

Everything was covered with white cloth. From the sofa to the cabinets.

I covered my nose so that I couldn't inhale the dust when Jago removed the covers.

Maayos naman ang loob ng bahay. Sa labas lang hindi. Maganda pa ang lahat at halatang kompleto sa gamit.

"Find a maid that will clean the house. And a people who will cut the grass," utos ko kay Jago at naupo sa sofa na tinaggalan niya ng taklob.

"Sure, boss."

"Don't call me boss either. Start addressing me by my name alone," seryosong saad ko. I am not his boss, he is my dad's dog, not mine.

Napatigil ito sa ginagawang pag-aalis ng iba pang mga telang nakatakip sa mga cabinet dahil sa sinabi ko.

"Isinama kita dito because I need you to do something for me."

"Ano iyon, boss?"

He called me boss again. Mahina ba ang ulo nito? Kasasabi ko pa lang na huwag na akong tawaging boss. Idiot.

"You will act as my boss," saad ko at ipinatong ang paa ko sa center table.

Tuluyan na iting tumigil sa ginagawa at mabilis na umupo sa katapat ko na sofa bago nagtatakang tumingin sa akin.

"Huh? Okay lang ba kayo? Ako magiging boss n'yo?"

"Aaktong boss ko," pagtatama ko.

Umupo ito ng tuwid.

"Bakit?"

"I don't want others to know who really I am. Just do what I said and stop asking," napipikon nang saad ko.

Dapat ba hindi na lang siya ang sinama ko? Masyado siyang mausisa.

Kumamot ito sa ulo. "Boss ang hirap naman niyang pinapagawa ninyo. Kayo ang boss ko tapos magiging boss n'yo ako kunwari. Ibig bang sabihin noon, pwede ko kayong utusan nang utusan? Gaya nang ipagluto n'yo ako ng almusal o hapunan?"

I want to shoot his head because of his question.

Umayos ako ng upo at napakamot sa kilay ko. Nauubos ang pasensya ko sa katangahan ni Jago.

"Idiot. Magpapanggap ka lang na boss ko sa harap ng mga taga San Vicente pero hindi ko sinabing alilain mo ako. Gago!"

Nag-peace sign pa ito bago alanganing ngumiti. He acts like a child, as if I didn't know that he was a hired killer.

"Bakit ko ba kasi kailangang magpanggap na boss n'yo? Parang ang hirap ng pinapagawa n'yo sa akin."

"It is easy, Jago. You just need to act like a boss. I don't need to explain everything; don't be too slow," umiinit na ang ulong saad ko. Ang dami niyang reklamo.

"Bakit pakiramdam ko mas mahirap pinapagawa n'yo kaysa mga utos ng tatay n'yo sa akin?"

Kailan ba siya titigil sa pagrereklamo? Hindi siya gaya ni Garry na kapag inutusan ko nagagawa agad lahat ng maayos kahit hindi ko na sabihin ang lahat ng dapat niyang gawin. But this man in front of me is too slow.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko bago nagsindi ng sigarilyo at hinithit iyon. Marahas kong binuga ang usok na naglaho sa hangin bago muling nagsalita. "Just do what I said. In front of all the people here in San Vicente, you'll be my boss, and I am your driver. That's it."

"Sige, hindi na ako magtatanong pero boss magtatagal ba tayo dito?"

"It depends. Kaya asikasuhin mo na ang mga taong maglilinis nitong bahay." Nagsimula na akong tumalikod sa kanya. I want to rest. Pero muli akong humarap sa kanya nang nasa gitna na ako ng hagdan. "And again, stop calling me boss. Poldo, just call me Poldo."

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon