Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang magkalakad papunta sa pwesto ko sa palengke. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng ilibing si Inay, sariwa pa ang lahat sa akin pero hindi ako pwedeng magmukmok na lamang. Kailangan kung kumayod para sa sarili ko, nag-iisa na lamang ako ngayon kaya kahit mahirap kailangan kong magpatuloy. Kahit kumukirot pa ang puso ko dahil pagkawala niya hindi ako pwedeng tumigil.
"Tasyang okay ka lang ba? Dapat siguro hindi ka na muna nagtinda. Nagpahinga ka na lang muna sana. Halata sa mukha mong stress na stress ka pa. 'Yung eyebags mo pwede nang sidlan ng limang piso," nag-aalalang saad ni Klay. Habang inaayos ang mga paninda niyang prutas sa tapat ng stall ko.
"Oo nga naman, Tasyang. Mukhang kulang ka pa rin sa tulog kaya dapat nagbeauty rest kana muna," dagdag pa ni Girlie na lumapit pa sa may pwesto ko.
Hindi rin naman ako mapapakali kapag nasa bahay. Mamimiss ko lang si nanay kaya mas mabuting magtrabaho na lang ako para malibang ko pa ang sarili ko at hindi mag-inisip ng kung ano-ano.
Binigyan ko sila ng tipid na ngiti. "Salamat sa inyo pero okay na ako."
Bumalik na lang sila sa kanilang pwesto pero nakita ko pa ang nag-aalalang tingin nila kaya muli ko silang binigyang ng isang tipid na ngiti.
"Good morning, everybody!" masayang bati ni Pinang nang dumating ito sa pwesto niya. Akala mo pupunta ito kung saan dahil sa kapal ng make-up nito. "Tasyang, welcome back. Namiss ko ang presensiya mo dito. Naging boring ang araw ko ng mga araw na wala ka."
Umirap na lang ako sa kanya. Sanay na ako sa ugali niya kaya hindi ko na pinansin ang mga patutsada niya. Isa pa, kahit ganyan ang bunganga niya naging close kami dahil sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Isa lang kasi siya sa totoong nakakaalam ng lahat ng nangyari.
"Salamat," matabang na saad ko. "Hindi ko alam na isa pala ako sa kaligayahan mo."
Umikot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. " Nangarap ka. Hindi tayo talo, mandiri ka nga." Umakto pa itong nandidiri bago dumiretso sa pwesto niya. Naiiling na lang akong nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gulay na inangkat ko.
Abala na ang lahat. Masyadong maingay dahil sa maraming mamimiling may kanya kanyang hanap at syempre hindi mawawala ang mga tawad nila na minsan kulang na lang ay hingin ang mga paninda.
"Suki, bili na!" tawag pansin ko sa isang babaeng dumaan pero tiningnan lang nito ang mga gulay na nasa harapan ko bago muling nagpatuloy.
Lalaglag na sana ang balikat ko pero may isang matandang babae naman na lumapit sa pwesto ko.
"Hija, magkano ang repolyo?"
"45 po ang kilo, 'nay," nakangiting tugon ko.
"Dalawang kilo nga nito. Saka samahan mo na rin ng isang taling sitaw."
Mabilis naman akong kumilos para timbangin ang binibili nito.
"May boyfriend kana ba?" bigla akong napatingin sa matandang bumibili sa akin dahil sa biglang tanong nito.
Masyado naman itong prangka kung magtanong.
"Wala pa ho sa isip ko ang mga ganyang bagay," ani ko at iniabot sa kanya ang supot ng gulay na kanyang binili.
"Sa ganda mong iyan? Walang nagkakagusto sayo? Parang impossible naman yata. May abo ako baka gusto mong-"
"Ito na po ang sukli ninyo. Maraming salamat po. Sa uulitin po, bili po ulit kayo sa akin," putol ko sa ano pa mang sasabihin niya.
Kinuha naman nito ang sukli at naiiling na umalis na lamang.
Masyadong tsismosa ang matandang iyon, balak pa yata akong ireto sa apo niya.
BINABASA MO ANG
Dargan Series 5: Poldo is Rich
Ficção GeralDARGAN SERIES 5: Poldo is Rich Leopoldo is one of the Dargan Twins. He was born with a silver spoon and can get everything he wants with one snap of his finger. Poldo is an elusive man who only cares about money and his status. He believes that ever...