Ang Alay Para sa Natatanging Ina

9 0 0
                                    

Ang babaeng walang kupas ang pagmamahal,
simula sa pagdadala hanggang sa paglaki nagtatagal;
ang mga sakripisyo, paggabay, at pagbibigay aral,
ang aking natatanging ina para sa akin ay marangal.

Maraming salita ang lumalabas sa kanyang bibig,
ang kanyang kaligayahan ay umaagos na parang tubig,
minsan hindi na nakakahalina ang kanyang tinig;
nagsasawa na ang aking tenga, naririndi sa pakikinig.

Mahal pa rin kita ina kahit sa mga parte na hindi ko ginusto,
napansin ko rin na magaling ka sa pagpapakatao,
aking ninanais ang mga ngiti at mainit na yakap mo;
at pagtahan mo sa akin tuwing alam mong nalulungkot ako.

Mas mahalaga ka pa sa mga mamahaling hiyas,
pasasalamat ko sayo'y hindi mawawaldas,
ibabalik ko'y pag-aalaga mo sa akin ng wagas,
ang layunin ko'y maibsan ang paghihirap habang may lakas.

Hindi madali ang maging isang ina;
pero hindi mo pa rin ako inabandona,
sa mga pagsubok ikaw ay palaging kasama,
ang mananatili sa piling mo ang tanging alay ko sa'yo oh aking ina.

Poetry/Tula Collection Where stories live. Discover now