Panaginip na Kinalimutan

2 0 0
                                    

Natupad na ang iyong pangarap na iyong inaasam-asam;
nang dahil sa pagmamahal sa musika naipahayag ang pakiramdam,
nakikita na ng lahat kung paano ka umalpas,
hindi na kita nakasama sa ilang taon na lumipas.

Ako ay iyong kakampi sumusuporta;
sa'yo nang buong lakas hangga't makakaya,
masaya ako para sa'yo iyan ang totoo,
malapit ka sa aking puso aking napagtanto.

Noong una kitang nakita ika'y nakakairita!
nang papasok na ako sa sasakyan ikaw ang nauuna,
bakas sa iyong mukha ang tumutuksong ngisi;
habang unti-unting nauubos ang aking pisi.

Kay liit talaga ng mundo napadalas ata kitang nakikita;
ang makasama ka sa buhay ko ay paniguradong plano ng aking tadhana,
dahan-dahang napalapit ang loob natin sa isa't isa,
nagbubuo ng mga alaala na hindi madaling mawawala.

Kahit sa pinakamahigpit na pagkakahawak ay kailangang bumitaw,
ang nagbibigay liwanag sa aking buhay ay walang iba kundi ikaw,
hanggang sa mga litrato at billboard nalang natatanaw;
dumilim ang aking mundo sa kawalan ng iyong ilaw.

Hindi ko maiwasan maging malungkot sa kawalan,
ikaw ang isa sa mga tao na nagbibigay kahulugan;
at kulay sa aking pansamantalang pananatili sa kalawakan,
pero ang lahat ng ito ay tila isang panaginip na matagal nang kinalimutan.







Poetry/Tula Collection Where stories live. Discover now