03/27/24

4 0 0
                                    

Sabi nila'y lagi ko na lamang inihahambing sa buwan ang taong aking nagugustuhan.

Bakit naman hindi, kung iyon naman ang katotohanan?

Lagi't lagi, siya ang aking buwan.

Ang nag-iisang nagbibigay liwanag sa buhay na yakap ng kadiliman.

Isang buwan na kay gandang pagmasdan kahit na sa malayuan,
Isang buwan na kahit sa isang sulyap, ika'y tunay na mahihiwagaan.

Oo, tama.

Maihahalintulad nga siya sa buwan,
Pagka't kontento na ako kahit distansya namin ay kilometro,

Kontento na ako makita lamang siyang ngumiti kahit na hindi sa harap ko.

Isa siyang buwan,
Isang bagay na kahit naisin ay hindi kailanman makakamtan.

-Keith // .....nag-iisang buwan sa kalangitan.....

Moon GoddessWhere stories live. Discover now