08/24/24

3 0 0
                                    

ayan ka nanaman,
pasulyap-sulyap lang;
ang akalang tapos na'y
nabalik na parang nag-aabang.

subukin mang limutin,
hindi pa rin magawang baunin.
mga oras na inalay,
tila bulang naglaho at naging alay.

ayan ka nanaman,
pasulyap-sulyap lang;
nakakayamot naman kung iisipin,
isang titig mo lang ay katumbas ng buwan kong paglimot.

kalabisan bang maituturing?

pagnanais ko't hiling,
limutin lamang ang damdamin;
umalis at lisanin,
ang nakaraa'y isinisigaw pa rin ng hangin.

kalabisan ba, aking giliw?

mga subok na ika'y limutin,
isang ngiti lamang at nawala na ang layunin.

ano nga bang ginawa mo't ako'y tila isang alipin?

isang tuta na 'di na kailangan amuhin,
balang ligaw na may landas na tatahakin.

por diyos por santo,
ano ba ito?

-Keith // motibo

Moon GoddessWhere stories live. Discover now