rish POV
Kasalukuyan akong nasa music room.
Nakaupo sa harap ng piano at hindi ko alam pero walang pumapasok sa utak ko. Kahit anong notes wala!! Nakatitig lang ako dito at di maintindihan kung ano talaga ang iniisip ko."Baliw na ba ako?? Urrrjjjj!!"
"Hindi kapa baliw, kailangan mo lang mag pahinga." si manang linda, pumasok na naman ng walang paalam.
"Manang,,, haaaay talagang kayo ang pinaka makulit na manang na nakilala ko. Palagi niyo nalang sinusuway ang bilin ko." Mahinahong sermon ko sa kanya, kabilin bilinan ko naman kasi. Ayoko ng may papasok nalang basta sa music room. Ayoko magpaistorbo. Pero si manang ang pinaka makulit sa lahat pero love na love ko yan.
"Nako knicole, alam mo namang pag dating sa kalusugan mo susuwayin at susuwayin kita. Ohh inumin mona yang gatas mo at baka lumamig pa. Pag katapos mo dyan, magpahinga kana."
"Opo manang, salamat po! Mag pahinga narin po kayo, para lalong mag mukhang bata at sexy kayo" sabay ngiti sa kanya.
"Ikaw talaga iha, nambola kapa! Namiss ko yang ngiti mo na yan, wag mona alisin yan ah??" Sabay ngiti rin niya at lumabas na.
Haaay, ganun naba ako ngayon? Napaka dalang na ngumiti .. Sabagay, simula ng maghiwalay ang parents ko. Nawalan nako ng gana ngumiti. Pakiramdam ko, hindi nako sasaya pa. Musika nalang ang nagpapa lambot ng puso ko. Musika nalang ang palaging kasama ko.. At alam ko na hindi ako iiwan nito.
Kakahiwalay lang ng parents ko, dalawang buwan na ang nakakalipas.
Napag kasunduan nila yun dahil palagi lang sila nagtatalo. Walang araw na hindi sila nag aaway. Pero alam ko, mahal nila ang isat'isa, siguro sadyang napagod lang sila. At kailangan nila ng pahinga.Im Knicole Sherish Cruz, RISH for short, only child ng mr. & mrs.Cruz! Kaya wag sana kayo magtaka kung bakit knicole ang tawag sakin ni manang kanina.
Ang hirap maging only child. Walang kapatid na mangungulit sayo. Although wala kang kaagaw sa lahat pero hindi ibig sabihin nun perfect na.
Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na katulad ng iba. Na umangat lang sa buhay, may kaya o mayaman eh kailangan na magyabang at maliitin ang iba. Pinalaki nila ako ng may takot sa diyos. Para sakin lahat pantay pantay.Nakakalungkot lang, dahil ganito ang sinapit ko ngayon. Iniwan ako ni mom at dad! Si mommy pumunta ng States. Ang daddy ko naman nasa probinsya at wala na atang balak umuwi.
Pinapadalhan nalang nila ako ng monthly allowance at ang pag ba budget naman sa gastusin sa bahay, kung hindi binabayaran na nila. O kay manang linda.Parang si manang na nga ang nanay ko ngayon.. Pag tumatawag si mommy minsan nag papanggap akong tulog. Pag kausap ko naman siya walang buhay. Hindi na katulad dati, we're like bestfriend. Masaya! Pero ngayon wala na..
Hindi ko alam kung maaayos pa uli ang family namin. Sana!
Author Note
[Hey guys pasensya na kayo kung mejo di pa ok ang pagsusulat ko. This is may first story and sana po magustuhan ninyo] thankyou!:)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Lovesong
RomanceNakilala kona ang lalaking dahilan ng aking first unexpected lovesong.