Mensahe ng May Akda

5 0 0
                                    


Ang mga susunod na pangyayari na inyong mababasa ay hango sa ilang karanasan at ilang pangyayari na naganap sa buhay ng Lolo Ernesto at sa amin. Sa pakiusap na din ng buong pamilya ay binago ang ilang pangyayari na hanggang ngayon, alam kong pilit pa din nilang gustong makalimutan.

Noon pa man ay palaisipan na sa akin ang mga nilalang na madalas naming naririnig sa mga matatanda. Ito ay palaging maririnig tuwing may lamay o kapag may sakit ang isang tao sa aming lokal. At karamihan nga nito ay mula mismo sa bibig noon ng aking Lolo, at sa mga karanasan noon ng angkan. Ang aming lugar ay masasabi na ding liblib, at minsan nga ay hindi alam ng ilang lokal sa munisipalidad na mayroong lugar na tulad sa amin, at kung saan ito napapabilang. Ang aming bahay ay nasa paanan na ng bundok, at halos bandang tanghali na ito kung masikatan ng araw. Malalayo din ang agwat ng bawat bahay doon kaya't ramdam mo ang katahimikan maliban na lamang sa panggagambala na mga di inaasahang nilalang. 

Ang ilang pangyayaring inyong mababasa ay tunay na naganap, at hahayaan ko na lang na kayo ang magisip kung alin ang alin. Isang munting babala lamang bago magpatuloy sa pagbabasa. Siguraduhin ninyong nasa loob kayo ng inyong mga bahay, at nakasarado lahat ng pinto at inyong bintana. Pinapaalalahanan ko na din kayong iwasang basahin ang kwentong ito pagsapit ng gabi o kahit takipsilim

Ang Mga Bantay Ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon