Ang Unang Pagbabantay: Ang Kanang Kamay

5 0 0
                                    


"CORY ANG KAMAY!" sigaw ng Inay. Dagli kong hinawi ang buhok ko at napatayo. Anung nangyari? Hawak ni Tiya Cory ang kamay ng Itay. Ang kanang kamay.




Paakyat ako ng istasiyon nang dumating ang tren. Napahinga na lang ako ng malalim. Kahit na magmadali ako, din ko rin naman ito maabutan. Sabagay, pauwi na lang din naman ako kaya bakit kailangan ko pang magmadali? Wala rin naman akong gagawin kundi magpahinga. Paulit-ulit lang din naman ang nangyayari araw-araw. Gigising ka ng maaga, magmamadali habang nakikipagpatintero sa mga taong naghahabol din ng oras. Sa hapon ay sila pa rin ang makakasabay mo. Bitbit ang pagod at inis pauwi sa kanya-kanyang bahay. Mabuti at wala na masiyadong tao sa istasiyon nang makapasok na ko. Kinapa ko ang headset sa bag. Mas mainam na makinig na lang muna ng tugtog. Pero di pa ko nakakapili ng tugtog nang magring ang cellphone. Si Frank.

"Asan ka? Andito na kami."

"Pass muna ko." Padulas kong sabi habang pinipilit na magmukhang pagod ang pananalita."Loaded kanina. Pahinga na lang muna ko."

"Pambihira to. Sabado naman bukas. . .tara na. 'Sang bucket pa lang."

"Sa su-ok-un-ug-od na l-ag-ang." Sambit ko habang tinatakpan sa bawat salita ang mic ng cellphone. Sabay pinutol ko na bago pa mapahaba ang kwentuhan. Gusto ko na ring magrelax at makinig na lang din muna ng tugtog. Maingay na tugtog, para kahit saglit man lang ay pansamantala akong mawala. Wala pang tren na dumarating, at unti-unti nang kumakapal ang tao sa istasiyon. Sana lang, di masiyadong puno ang parating na tren. Ganyan na lang kasimple ang mga hiling ko ngayon. Pero katulad ng iba pang mga kahilingan, hindi rin ito nangyayari kadalasan. Tumigil ang tugtog sa headset, para akong naalimpungatan sa pagkakaduyan, may tumatawag na naman.

"Hello!" sagot ko at kinagat ang wire ng headset.

"Dem pauwi ka na?"inaasahan kong marinig ang boses ni Frank pero babae ang narinig ko.

"O Ma, opo bakit?" lumingon ako sa riles saglit at sumandal sa pader ng station habang nakadungaw sa kalsada sa baba.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa ho. Mamaya pagkadating."

"Kumusta ang araw mo? Wala ka namang bang napapansing kakaiba sa paligid mo?" nagtaka ko sa tanong niya.

"Panung kakaiba? Wala naman po, bakit?"

"Wala namang lumalapit sayong mga hindi mo kilala at nagtatanong ng kung anu-ano, mga ganun?"

"Teka, ano ba nangyayari Ma? Okay ka lang ba?" Sa tono niya'y parang may nakatutok na baril o kung anuman sa ulo niya.

"Basta magiingat ka jan. Laging magmatiyag sa paligid. Lalo pag nasa labas ka. 'Wag kang mabibigla. Naospital ang Itay. Naconfine ng ilang araw pero iuuwi na ngayon."

"Teka! Anung nangyari?" bumitaw bigla ang pagkakakagat ko sa wire. Sinalo ito ng kamay ko't inilapit sa bibig. Maliit lang naman ang wire pero madiin ang pagkakahawak ng mga daliri ko doon sa sandaling yun.

"Inatake sa puso. Stable na siya, pero 'di na makagalaw. Kung sakali . . . pwede ka bang makauwi?" Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Tiningnan ko ulit kung may paparating nang tren, o naghanap lang ako ng maisasagot sa sinabi niya. Paulit-ulit ang tanong niya sa isipan ko at sa pagaasam kong matanaw ang parating na tren para makauwi na.

"Susubukan kong magpaalam Ma. Sige po. Sasakay na ko ng tren." Parang nawala ang pagod ko ng mga sandaling yun. Napalitan ng pagaalala, pagiisip at panghihina. Hindi ko inaasahang makatanggap ng mga ganitong balita. Hindi ko pa maintindihan kung bakit ganun na lang ang mga tanong ni Mama. Kakaiba. . .Bakit? Dahil lang ba may nangyari sa Itay. O kaya. . .hindi. . .Baka iniisip niya na may nararamdaman akong kakaiba. Tulad ng mga sinasabi nilang signus kapag may kamag-anak kang malapit nang mamatay. Malapit ako sa Itay, kaya baka iniisip ni Mama na magparamdam ito sakin.

Ang Mga Bantay Ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon