Ang Pangatlong Pagbabantay: Katok

2 0 0
                                    


"Kuya" turo niya sa Itay. Napalingon ako. Nagising ang Itay at mulat na mulat ito. Magalaw ang mga mata niya. Napatayo ako habang nakatitig sa mga ito sa kung saan sa taas.

"Ano yun Tay?" tanong ni Angelina. Lumapit siya sa Itay at lumuhod sabay haplos sa mukha nito. Nakatitig lang ito sa taas, sa kisame. Hahakbang na sana ko padaan sa gilid nila nang may kumatok sa pintuan sa unahan.





Naalimpungatan ako ng lamig sa aking batok. Ilang sandali pa ay naglaro sa tainga ko ang malambing na ihip ng hangin. Umaga na pala. Sumilaw ang sikat ng araw na nagpahapdi sa mga mata ko. Nasa upuan ako sa salas. Nakatulog na pala ko. Maaliwalas ngayon ang buong bahay. Napakatahimik naman ata ng paligid. Nasaan kaya sila? Tumayo ako't nagunat-unat. Ang mga orchids ay nadiligan na, nangingintab ang mga dahon nito at bulaklak sa butil ng tubig. Magaalas-nueve na pala. Ano kayang ginagawa nila?

"Tiya Cory? Ma?" sina Olive marahil ay tulog pa. Marahan akong naglakad papunta sa hapag. Wala ngang katao-tao sa bahay. Paglingon ko sa higaan na malapit sa hapag ay nagimbal ako. Wala din sa higaan ang Itay!

"Tiya Cory! Ma?!" umikot ako sa bahay pero wala kahit isa man sa kanila. Pagpasok ko ng kwarto ay wala din sina Zyrelle at Olive duon.

"Olive? Zyrelle?!" Nasaan sila? Nasaan ang Itay? Itinakbo ba nila ang Itay sa ospital, o kaya'y. . . Palabas ako sa salas ng marinig ko ang mga yabag sa bubungan. Iyon at ang hiyawan na nanggagaling sa likod ng bahay. May nagaaway ba?

"Sige! Sige! Subukan mo!" boses ni Papa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa likod. Naroon silang lahat, ang Inay, si Mama at Tiya Cory. Nandun din sina Olive at Zyrelle na tarantang nakatingala sa ilalim ng puno ng santol. Si Papa naman ay nasa bubungan, hawak ang isang mahabang patpat at inuumang sa mayayabong na dahon ng santol. Ano bang nang─

"Ibaba mo siya!"

"Ibigay mo na siya samin, parang awa mo na!" sigaw nina Tiya Cory at Mama. Anung pinagsasasabi ninyo? Patuloy ang pakikipagpatintero ni Papa sa mayayabong na dahon habang mahigpit ang hawak sa mahabang patpat; itataas, titigil, ibaba at itutusok at iaatras.

Dahan-dahan akong lumapit. Pilit na inaaninag kung ano ang tinitingala nilang lahat doon. Nasa ilalim na ko ng puno nang makita ko ang napakaitim na nilalang. Nakayakap ang isang braso nito sa sanga. Mahaba ang buhok nito na parang taong grasa. Tanging matatalas at manilaw nitong mga ngipin ang mapapansin sa kanya, atang mababagsik nitong mga mata. Para bang nagunahan ang libo-libong langgam sa likod ko pataas sa batok nang timingin sa ito sakin. At natigilan ako. Napako sa kinatatayuan nang makita ko ang akay-akay na itim na nilalang sa balikat nito.

"ITAY!" tila nawala ang hangin sa buo kong katawan. Nakahandusay ang Itay sa balikat ng itim na nilalang na parangtuwalya lang.

Nagngit-ngit ang itim na nilalang at napasigaw sa galit. Animo'y may pusa, aso at baboy sa kanyang lalamunan na sabay-sabay na nagbubulyawan. Galit na galit itong nakatitig sa akin. Parang tumigil ang oras nang bigla nitong ibinalikwas ang Itay. Itinapon niya na tila isang panggatong sa kinatatayuan ko. Parang bumigat ang hangin sa paligid. Hindi ako makatakbo ng mabilis.May kung anung malapot na bagay na nakabalot sa buo kong katawan. Ibinuka ko na lang ang braso ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko habang dahan-dahang bumabagsak ang Itay papalapit sa akin. Ilang sandali pa ay unang tumama ang tuhod ng Itay sa tuhod ko. At tuluyan siyang bumagsak sa dibdib ko.

"Aw!" biglang nauntog ang kanang tuhod ko. Napakalamig ng batok ko. Bigla akong napamulat. uh? nasa lamesa ako? Makirot pa rin ang tuhod ko na tumama ata sa ilalim ng lamesa. Napansin ko si Tiya Cory na gulat na gulat sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mga Bantay Ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon