Nakatayo si Angelina sa tabi ng higaan ng Itay. Pero hindi siya naglalaro ng Ipod. Hawak niya itong nakaakma sa bintana. Di siya gumagalaw, di rin siya umiimik. Tatanungin ko na sana siya nang mapansin kong bukas ang bintana.
"Ano bang─" natigilan ako sa kinatatayuan ko nang makita ang iniilawan ng bata.
Matapos ang hapunan ay nagpahinga na sila. Tulog na rin ang Inay. Maaga din kasi itong bumabangon para magluto at magpunta sa sakahan. Ang sakahang dapat ay inaasikaso pa ng Itay. Sumunod si Zyrelle na ngingiti-ngiti habang kinakalikot ang cellphone. Pumasok na rin sa silid si Tiya Cory. Si Papa ang naiwan sa sala, nanunuod ng balita. Si Olive at Angelina naman ang nasa hapag para magbantay pansamantala. Si Mama ang naghugas ng kinainan. Nagigib na lang ako ng tubig.
Ang poso namin ay nasa gilid lang ng bahay. Nasa tapat ito ng pintuan kung sa'n bubungad ang hapag. Binubuksan lang ang pintong yun kapag nagiigib pagkat walang ilaw sa labas. Dahil wala ring maayos na mapagkukuhanan ng pera ang Inay at Tiya Cory, di sila naglalagay ng ilaw sa labas para di na din makadagdag pa sa bayarin. Pinapagaral din kasi nila si Zyrelle. Anak ng tiyuhin kong militar, si Tiyo Eduardo, sa unang asawa. Si Tiyo Eduardo ang bunsong anak nina Inay at Itay.
"Tama na muna" sabi ni Mama. Kakatapos lang nitong magsabon, puno na din pala kasi ang tapayan. Pinanood ko na lang siya.
"Ilan ba ang dala mo?" nabigla ako sa tanong niya. Hindi naman din siya tumingin sa akin.
"Mmm... medyo madami din, bakit?" nagpatuloy siya sa pagsalin ng tubig sa palanggana. Naguluhan ako sa tanong niya.
"Huwag ka masyadong gagastos"sabi niya. Noon ay isa-isa na niyang binabanlawan ang mga baso't kutsara. Inayos niya ang buhok niya sa gilid ng tenga saglit at nagpatuloy ulit sa pagbabanlaw.
"Di natin masasabi ang kundisyon ng Itay."Parang nainis ako pagkasabi niya
"Kahit na nga naigagalaw na niya ang braso niya. Magpasiguro pa rin tayo. Ayokong pangunahan ang mangyayari pero alam kong dun din naman ang kakahantungan. Pero ang Inay, ang Tiya Cory mo? Saan sila kukuha ng pera? Ang Auntie Leslie mo eh may pamilya na, lalo na ang Tiyo Eduardo mo. Hindi natin pwedeng pabayaan ang Tiya mo. Siya na nga ang naiwan para magalaga dito."
Di ko man lubos maisip ang mga sinabing iyon ni Mama. Wala sa isip ko ang mga bagay na yun o ayaw ko lang tanggapin. Hindi na lang ako nagsalita ng kung ano pa.
"Opo"
"Pagdating ng oras na yun, kung sakali, hindi na tayo tatakbo kung kani-kanino." Di na lang ako nagsalita pa pero nanlamig ako. Bakit ganito ang isip ni Mama? Gusto kong gumaling ang Itay. Lumakas siya ulit at malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Kung totoo ba ang mga sinasabi nila. Ang mga lalaking dumalaw at sa kung anumang natuklasan ng Itay at ang kinalaman niya sa mge kakaibang nilalang.
Umupo ako sa gilid ng higaan sa tabi ng Itay. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Di ko maalis ang tingin sa ilong niya, at sa hose na namumutil-mutil na sa namuong tubig. Nakalock ang dulo nito na nabubuksan lang sa tuwing siya ay papakainin. Siguro'y tuyong-tuyo na ang lalamunan niya. Paminsan-minsan ay napapaubo siya, at ako ang parang nahihirapan 'pag naririnig 'yun. Parang tunog ng posong walang tubig. Gustuhin ko mang painumin siya'y di daw maaari. Tuyong-tuyo na pati ang labi niya. Magkadikit na rin ang balat sa gilid ng mata niya. Itay... napakarami pa naman ng ipinagbawal sayo nun. Ngayon, puro tinapay na lang at prutas na giniling ang pinapakain sa'yo. At ni hindi mo man lang ito matikman.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Bantay Ni Lolo
FantasyNapilitang umuwi si Demi sa probinsiya nila sa Albay nang mabalitaang di na nakakagalaw ang kanyang Lolo Eleseo matapos maospital. Baon ang pagtataka, sinalubong siya ng katakot-takot na kababalaghan. Gabi-gabi ay may mga dumadalaw sa kanila, at nai...