"Gatorade, check! Bimpo, check! Water, check! Hmm.. kumpleto na!" sabi ko habang tinitignan ang loob ng aking bag. "Ayy, yung snack pa pala!"
Dali dali akong kumuha ng Doritos at Lays.
Nang masiguro kong kumpleto na ay mabilis akong naglakad patungo sa Field ng aming School kung saan nagpapractice ang Volleyball Team. Agad naman lumapit sa akin si Dylan.
"Kumpleto ba 'yang dala mo?" tanong agad nya.
Napairap ako.
"Opo, Master." Nakataas kilay na sagot ko.
Ngumisi si Dylan kaya lalo akong nairita.
"Good! Wag kang aalis dyan hangga't hindi ko sinasabi." utos nya.
I rolled my eyes.
"Oo na!" sabi ko.
Nag-jog na sya pabalik sa gitna. Kinuha ko naman ang cellphone ko upang tawagan si Aika.
"Hello, Trix.. Nasaan ka na?" Tanong nya.
"Nandito ako sa field." Sagot ko.
"Anong ginagawa mo dyan?"
"Nanonood ng Volleyball."
"Kailan ka pa nagkainteres sa Volleyball? Halika na dito sa Cafeteria."
"Hindi ako pwedeng umalis, Aika."
"Bakit naman?"
"Hay nako, mahabang kwento." Sabi ko habang nakatingin kay Dylan.
"Pupuntahan nalang kita dyan. Ano bang gusto mong pagkain?"
"Chicken Sandwich saka Macaroni Salad."
--
Nang dumating si Aika sa field ay ikinuwento ko sa kaniya ang dahilan ng lahat.
"Natalo ako sa pustahan namin ni Dylan at dahil doon, isang buwan akong magiging slave niya." Nakasimangot na sabi ko.
Natawa si Aika.
"Seryoso? Ano namang pustahan yon?" Natatawang tanong nya.
Throwback
"Hey, Trix.." bati sa akin ni Gio.
Si Gio ay isa sa pinaka magaling na Basketball Player sa School namin. Sya ang Varsity Player ng Basketball Team. Matagal din syang nanligaw sa akin ngunit hindi ko sya nagawang sagutin. Bukod kasi sa pagiging kaibigan ay wala na akong iba pang nararamdaman sa kanya.
"Hi.." nakangiti namang bati ko sa kanya.
"Manood ka sa game ah?" sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
"Kahit hindi ako manood, alam ko naman na mananalo kayo." Sabi ko.
Hindi naman sinasadya na narinig iyon ni Dylan. Kaya nagulat nalang ako ng bigla syang sumabat.
"Madali lang maglaro ng Basketball, kahit sino kayang kaya 'yan." pagyayabang nya.
Tila nagpantig naman ang tenga ni Gio sa sinabi nyang 'yon.
"Yabang mo naman. Bakit hindi natin subukan? One on one." hamon ni Gio sa kanya.
YOU ARE READING
I Belong to You
RomanceWhat would you do if the girl you loved for a long time suddenly forgot you? After everything went well, bigla ka nalang nyang ipinagtabuyan? Are you going to wait or give up?