( 5 Years Later )
"Ayokong ihagis ang bulaklak na 'to dahil gusto ko itong kusang ibigay sa isang taong mahalaga para sa akin. Gusto kong katulad ko, maging masaya din siya."
Lumapit si Aika kay Trixie at ibinigay dito ang bulaklak. Napakaganda ni Aika sa suot nitong Wedding Gown. Habang si Aerol naman ay nangingibabaw sa kagwapuhan dahil sa suot nitong puting tuxedo. Masayang masaya si Trixie para sa Bestfriend niyang si Aika na natagpuan ang tunay na kaligayahan sa piling ni Aerol.
Napangiti sya ng maalala nya na minsan din nakuha ni Aerol ang atensyon nya. Si Aerol ang naging first crush ni Trixie ngunit ng tumagal ay unti-unti din itong nawala. Si Aerol kasi ang ideal man ng halos lahat ng estudyante sa VU.
Kinuha ni Trixie ang bulaklak at hindi niya inaasahan ang paglapit ni Dylan sa kaniya. Halos karamihan ng mga bisita ngayong araw ng kasal ni Aika at Aerol ay mga College friend nila.
Iniabot ni Aika ang mic kay Dylan. Nagpalakpakan naman ang mga naroon.
"Ayoko sanang sumapaw sa importanteng araw na 'to para kina Aika at Aerol." panimula ni Dylan.
"Ayos lang, Dylan!" Masayang sigaw ni Aika.
"Pero pakiramdam ko kasi, hindi ako matatahimik kung hindi ko masasabi ang bagay na 'to sayo, Trixie."
Tumikhim si Dylan bago sya may kinuha sa loob ng kanyang bulsa. Lumuhod siya sa harap ni Trixie.
"Babe, I love you so much. Please, Marry Me!"
Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang ang ibang kaibigan ni Dylan ay isinisigaw kung gaano sila ka-proud dito.
"Say YES!!!" Sigaw ng halos lahat.
Napatakip sa bibig si Trixie habang may luhang pumapatak sa mga mata niya. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito. Alam niya sa sarili niya na bumubuo na siya ng pangarap na kasama si Dylan. At sa ilang taon ng kanilang relasyon, alam niya na wala na siyang iba pang hinahangad kundi ang makasama ito habang buhay.
"Yes, Babe. I will marry you!" umiiyak na sabi niya.
Isinuot ni Dylan ang singsing sa kanya bago ito tumayo mula sa pagkakaluhod at mahigpit na yumakap kay Trixie.
"Mahal na mahal kita." bulong ni Dylan sa kaniya.
--
( Trixie POV )
Narito ako ngayon sa bahay nila Aika at hinihimas ko ang malaking tiyan niya.
"Hala! Sumipa siya." tuwang tuwang sabi ko.
Dalawang buwan nalang ay manganganak na siya. Feeling ko nga ay mas excited pa ko sa kanya na makita si baby. Halos araw araw din ay dinadalaw ko sya.
"Pupunta ako ng Batangas next week. Aattend ako sa Family Gathering namin, gusto kasi ni Tita na sa Resort nila ganapin. Mame-meet ko na yung ibang mga kamag anak namin na hindi ko kilala." sabi ko sa kanya.
"Isasama mo si Tyrone?" tanong ni Aika.
"Hindi. May malaking project sila sa Cebu 'e, magsstay muna siya don." sagot ko.
--
Nang dumating ang araw ng Family Gathering namin ay agad kong tinawagan si Dylan na nasa Cebu na ngayon.
"Babe, pabyahe na 'ko patungong Batangas." Sabi ko.
"Mag iingat ka, Babe. I miss you! Ikamusta mo nalang ako kina Tita." Sabi nya.
"Okay. Namimiss ka na din ni Tyrone." tukoy ko sa bunso kong kapatid.
Napalapit kasi ito ng husto kay Dylan nang ipakilala ko sya noon sa kanila.
"May pasalubong ako sa kaniya pagbalik ko." Sagot nya.
"Siguradong matutuwa yon." Sabi ko. "Sige na, Babe. Nagdadrive ako, 'e. Tatawagan nalang kita kapag nandon na 'ko." Paalam ko sa kanya.
"Ingat ka sa pagda-drive, Babe. I love you."
"I love you too." at pinatay ko na ang tawag.
Nauna na sila Mommy sa Batangas kaya mag isa na lamang akong bumabyahe ngayon.
Tumingin ako sa langit. Makulimlim na at parang uulan.
Balak ko sanang magplay ng music ngunit agad din akong napatingin sa daan ng makita ko ang kasalubong kong Van na pa-zigzag ang takbo.
Shit!
* SCREEEEEETCH BOOOOOGSH *
"Oh my-- H-Hindi!" huling salitang lumabas sa bibig ko bago ako tuluyang bumangga.
YOU ARE READING
I Belong to You
RomanceWhat would you do if the girl you loved for a long time suddenly forgot you? After everything went well, bigla ka nalang nyang ipinagtabuyan? Are you going to wait or give up?