"Last day na ng kasunduan natin. Makakalaya ka na." sabi ni Dylan. "Pwede mo ng kausapin ang kahit sinong gusto mo. Hindi ka na gigising ng maaga para ipagluto ako ng lunch. Hindi mo na ko kailangan puntahan sa field para panoorin. Hindi mo na din kailangan iabot sa akin ang tubig at punasan ang pawis ko. Pwede mo ng gawin ang kahit anong gusto mo, Trix."
Tumingin ako sa kanya.
Nagtataka ako kung bakit kabaliktaran ng inaasahan ko ang nararamdaman ko ngayon. Nagtataka ako kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot imbis na matuwa ako dahil tapos na ang kasunduan namin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, gusto kong hilahin ang oras pabalik.
Ngunit ang tanging salitang lumabas lamang sa bibig ko.
"Mabuti naman." ngunit alam kong kabaliktaran iyon ng salitang gusto kong sabihin kay Dylan.
Tumango sya at malungkot na ngumiti.
--
Dalawang linggo na buhat ng matapos ang kasunduan namin. Sa tuwing magkakasalubong kami ni Dylan ay agad syang umiiwas.
"In-love ka na sa kaniya 'no?" sabi ni Aika.
Tumingin ako sa kaniya.
"Ano bang pinagsasabi mo, Aika? Imposible 'yan. Alam mong naiinis ako sa kaniya." Tanggi ko.
"E, bakit ka ba naiinis?" tanong nya.
Sandaling akong nag isip.
"Naiinis ka kasi nga gusto mo na siya. Naiinis ka kasi matapos ang kasunduan niyo ay hindi ka na niya pinapansin. Naiinis ka kasi parang balewala ka sa kaniya. Naiinis ka kasi gusto mo na siya pero naiinis ka dahil hindi mo kayang aminin." sabi ni Aika.
Natahimik ako at biglang napa-isip.
"Kung ako sayo, Trix, aminin mo na sa kaniya kung ano man ang nararamdaman mo. Kasi malay mo, pareho naman pala kayo ng nararamdaman para sa isat isa." sabi pa niya.
"Ako ba ang dapat umamin?" tanong ko sa kanya. "Parang ang sagwa naman 'non! Kababae kong tao, ako ang unang magtatapat?"
Tumawa si Aika.
"So, totoo nga? May nararamdaman ka na para sa kaniya? Ayiiie! Mukang magkaka-lovelife na ang bestfriend ko." Pang aasar nya.
"Ssshh! Wag kang maingay, Aika. Baka may makarinig sayo, saka anong lovelife sinasabi mo? Hindi ko pa nga alam kung pareho kami ng nararamdaman." Sabi ko.
"Pareho tayo, Trix."
Gulat akong napalingon sa likuran ko at halos lumuwa ang aking mata ng makita ko ang nakangiting si Dylan.
Tumingin ako ng masama kay Aika na nakangiti lamang.
"Bakit hindi mo sinabing nandyan na pala siya?" bulong ko.
Nagkibit balikat lang si Aika.
"Maiwan ko muna kayo." paalam niya.
"Aika!!" tawag ko ngunit nagthumbs up lang sya sa akin at sumenyas ng 'You can do it!'
Naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa braso ko. Unti-unti akong humarap sa kanya at tumambad sa akin ang malawak nyang ngiti.
"Narinig mo?" tanong ko.
Tumango siya.
"Lahat?" tanong ko muli.
Tumango ulit siya.
"Wala kang sasabihin?" Naiiritang tanong ko.
Hindi kasi nagsasalita si Dylan at nakangiti lang sya sakin. Parang feeling ko tuloy kinukutya nya ko.
"Meron."
Tumaas ang kilay ko.
"Ano?"
"I love you." diretsyong sabi nya.
Napasinghap ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng oxygen sa katawan dahil sa sinabi niya.
"I love you, Trixie Erin Alcaraz. I've loved you since I first met you." Pag amin nya.
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Wait! 2018 tayo unang nagkakilala diba? Noong ako yung napiling maging Muse ng Basketball Team? That was 5 years ago." Gulat na sabi ko.
"Oo, noon pa crush na kita kaso hindi mo naman ako napapansin." may pagtatampong sabi ni Dylan. "Nung nalaman kong sa iisang University lang tayo nag aaral, akala ko magkakaron na 'ko ng chance. Kaso nalaman ko na ang crush mo pala ay si Aerol."
"Kung ganon, ako yung babaeng dahilan kung bakit ka umalis sa Basketball Team? At kung bakit kayo nag away ni Gio?" Mas nagulat ako doon.
Tumango sya.
"Oo. Alam niya na may gusto ako sayo noon pa, pero niligawan ka parin niya. Mabuti na nga lang at binasted mo siya. Kaya ngayon, mainggit siya dahil akin ka na."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Excuse me! Hindi pa tayo 'no. Ligawan mo muna kaya ako." Maarteng sabi ko.
Marahan akong hinila ni Dylan at mahigpit na niyakap.
"Sagutin mo na 'ko, kapag tayo na, tsaka kita liligawan."
Ngumiti ako at yumakap din pabalik sa kanya.
"Sige na nga." Sabi ko.
"Girlfriend na kita?" paninigurado niya.
"Oo." nakangiting sagot ko sa kanya.
"I love you." damang dama ko ang sinceridad sa bawat salita nya.
"I love you too."
YOU ARE READING
I Belong to You
RomansaWhat would you do if the girl you loved for a long time suddenly forgot you? After everything went well, bigla ka nalang nyang ipinagtabuyan? Are you going to wait or give up?