( 3 Years Later )
"Erian, come to Tita. I brought you some gifts." Sigaw ko pagpasok sa bahay nila Aika.
Dali daling tumakbo si Erian palapit sa akin
"Yehey! Thank you, Tita Trixie." Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
"You're always welcome, Baby."
Lumabas si Aika mula sa kusina bitbit ang miryenda.
"Kanina ka pa hinihintay ni Erian." Sabi nya.
"Ang traffic kasi." Kumuha ako ng juice at uminom.
"So, how's your business?" Tanong niya.
"It's good." Nakangiting sagot ko. "Ayy oo nga pala. Aattend ka ba ng Reunion bukas? Muntik ko ng makalimutan."
Nagplano kasi ng Reunion ang mga kaibigan namin noong College.
"Nangungulit na nga si Sheena." Sagot nya. "Sumabay ka nalang samin bukas ni Aerol."
Tumango ako.
--
Kinabukasan ay magkakasabay kaming dumating sa Venue. Agad naman kaming sinalubong ng mga kaibigan at dati naming kaklase na madalang na naming makita.
Nagkamusta at kwentuhan pa kami.
Napag-alaman ko na si Sheena at Gio din pala ang nagkatuluyan at ngayon ay mayroon na silang isang anak. Nagpatayo ng sariling Bar si Gio at iyon ang Business nilang mag asawa.
Si Patrick naman ay ikinasal na noong nakaraang taon sa girlfriend niyang si Fatima na apat na buwan ng buntis sa una nilang anak.
"Trixie, may gusto nga palang kumausap sayo." Sabi ni Gio ng lapitan nya ako.
Ngumiti ako at tumango.
"Sino?"
Ang atensyon ng lahat ay bumaling sa lalaking bagong dating ngayon. Nakasuot siya ng puting longsleeves na itinupi niya hanggang siko at itim na pants.
Hindi matanggal ang mga mata ko sa kanya, hindi din nya inaalis ang tingin nya sa akin habang naglalakad palapit. Wala parin syang pinagbago at maging ang tibok ng puso ko para sa kanya ay hindi din nagbago kahit lumipas na ang tatlong taon.
"Hi." Bati ni Dylan. Nanatili padin syang nakatitig sa akin.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Agad naman nya itong pinunasan.
"I'm still in love with you, Trixie. Would you still accept me?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango.
"I've waited for 3 years, Dylan, mag iinarte pa ba 'ko?"
Ngumiti siya at mahigpit nya akong niyakap.
"Kahit saan ako mapunta at kahit gaano katagal na hindi tayo magkita, mananatiling tapat sayo ang puso ko. Dahil ikaw lang ang bukod tanging babae na minahal ko. Mahal na mahal kita, Trixie Erin Alcaraz..
Mula noon, hanggang ngayon!"
🎵Promise that you'll always love me
That I will be your one and only
and that you'll hold me 'til eternitySay you'll keep me in your heart
Promise me, we'll never part
I can only love you so much more
cause you are all I'm living for
and the only thing I'd do
Is to give my love to you
and forever you'll be in my heart
The way I've always loved you from the start🎵Title: From the start
By: Rachell Ann Go
YOU ARE READING
I Belong to You
RomanceWhat would you do if the girl you loved for a long time suddenly forgot you? After everything went well, bigla ka nalang nyang ipinagtabuyan? Are you going to wait or give up?