CHAPTER 1 - Fountain

1K 55 0
                                    

READ THIS BEFORE YOU START

📍 AUTHOR'S NOTE

📍Fiction and for fun only, please separate or do not reflect the portrayal characters from reality.
📍May contain typos and grammatically errors(sorry in advance :>)
📍Taglish - mostly Tagalog
📍If you have any concerns or preferences regarding the content,feel free to share your thoughts from the comment section. Thank you for understanding.

🚨Disclaimer🚨

I do not own the photos, videos, and audios used(kung mayroon madrop). most are taken from facebook,X,tiktok,thread and pinterest. credits to rightful owners.
.
.
.
.
.

⚠️🚨⚠️🚨⚠️🚨⚠️🚨⚠️

THIS STORY IS RATED "R-18." IT MAY CONTAIN THEMES, LANGUAGE, VIOLENCE, NUDITY, SEXUAL CONTENT, DRUGS THAT ARE NOT SUITABLE FOR ALL READERS

VIEWER DISCRETION IS ADVISED
.
.
.
.
Para sa mga maseselan at maarte wag niyo na po basahin ito ewan ko ba kung bakit binabasa niyo pa kung naiirita kayo, maari niyo na pong lisanin ang story na ito at hindi naman ito sapilitan sapagbabasa.
.
.
.
.
.

AGAIN LAHAT NG MABABASA NIYO AY TANGING IMAHINASYON LAMANG NG AUTHOR AT WALANG KATOTOOHANAN KUNG MAYROON MAN MABANGGIT NA KAPAREHO SA TOTOONG BUHAY ADVANCE APOLOGY AT HINDI YON SINASADYA.

ANG LAHAT NG ITO AY FICTION LAMANG.
.
.
.
.

LUMAYAS KA DITO KUNG MAARTE KA!
.
.
.
.
.

BINI SERIES III
.
.
.
.
.
22 DAYS OF GAL
.
.
.
.
.

SCARLETT'S POV

Katulad ng ingay ng mga sasakyan ang salitan ng away ng magulang ko, kasing dilim ng street sa gabi ang loob ng tinatawag kong "tahanan".

Hindi ko alam saan patungo ang buhay ko bagamat kahit lovelife ko mas magulo pa sa pamilya ko at paano na lang kung maghiwalay ang pamilya ko.

Hindi naman tungkol sa pera o may mga kabit or ibang taong sangkot kundi obligation.

Obligation na ayaw na nilang punan, hindi ko alam kung pagod na ba sila sa mga nabuo nila nung kasagsagan ng kasarapan habang ginagawa yung bagay na ngayon ay ayaw na nilang panindigan.

Umupo ako sa tapat ng isang fountain na may iba't ibang ilaw habang sumasabay ito sa tugtog ng music at nagsasayawan ang nakakatuwang tubig mula rito.

I inhale and exhale deeply...Nakatitig lamang ako habang pinapanood kung gaano kaganda ang performance ng fountain.

May biglang tumabi sakin, isang babaeng amoy matamis na tangerine napatingin ako sakanya.

"Ang ganda ng fountain" she said tapos tumingin siya sakin.

"Yeah" maikli at mahina kong sambit tapos tumingin ako muli sa fountain.

"Pati ikaw kung hindi ka nakasimangot" sabi niya kaya muli ako tumitingin sakanya.

Ang aliwalas ng mga tingin niya na may magandang ngiti sakanyang labi.

"Sayang naman yung ganda mo kung maglulugmok ka lang" sabi niya habang ngumingisi sakin kaya napangiti ako ng bahagya

22 DAYS OF GAL • HAMBEBE🔞Where stories live. Discover now