CHAPTER 3 - Deluge

698 37 1
                                    

I kindly recommended to listen
"Hiling By Mark C. - Slow reverb"
while reading this chapter

-yourorange

BOURBON'S HOUSE...

Tinignan muli ni Scarlett ang candy na binigay ng babaeng nakasama niya sa fountain at napangiti na lamang siya habang naglalakad papasok ng gate nila.

"Wear the smile huh" pabulong niyang sabi sa sarili niya, habang papalapit na siya sa pintuan ng bahay nila ay naririnig niya ang away ng magulang niya.

Agad niyang inilagay sa bulsa niya ang candy at dali daling pumasok.

Pagkarating na pagkarating ni Scarlett sa bahay nila ay agad sumalubong sakanya ang mga sigawan ng father and mother niya.

"TALAGA! AALIS NA KO ISASAMA KO ANG DALAWA KONG ANAK IVY!" Sigaw na bakas ang galit sa tono ng father ni Scarlett.

"HINDI!—Wala kang kukunin kahit isa sakanila!" Sagot ng mother niya sa father niya at bakas ang mga luha sa mga mata ng mother niya.

Nakita ni Scarlett rin ang kanyang kapatid na si Maxine na umiiyak sa hagdan habang pinapanood lang ang kanilang mga magulang na nagaaway.

"TANGINA IVY! ILANG BESES NA KITANG PINAGBIGYAN!—PERO WALA! HINDI KA PA RIN NATINAG" Sigaw muli ng father niya.

"Grabe ka na Pau—grabe ka na!" Dahan dahang lumiliit ang tinig nito habang mas lalong lumalakas ang hikbi ng mother niya.

Patuloy na nagsigawan at nagsasagutan ang mga magulang nila.

Agad rin siyang napansin ni Maxine kaya tumakbo ito papunta sakanya at tinakpan nito ang tainga niya, tanging iyak na lamang ang nagawa nilang magkapatid.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasa kwarto na silang magkapatid at parehas silang tulala, na parehong may malalim na iniisip.

"It's my fault Iska, it's my fault" naiiyak na sabi ni Maxine kay Scarlett kaya naman nilapitan niya ito at niyakap.

"No, ate hindi mo kasalanan" sagot niya rito habang nakayakap sa ate niya at muli silang umiyak na dalawa.

Parehas silang nakatulog sa kakaiyak na magkatabi...
.
.
.
.
.
.
.
SCARLETT'S POV

Nagising ako mula sa ingay na naririnig ko... Sigawan nanaman sila ng ganintong oras?, hindi pa rin sila tapos hays.

Nakita ko rin na wala na si Ate Max sa tabi ko dahil may pasok siya ng umaga at ako pang hapon.

Tumayo ako at pumunta kung saan ko naririnig ang sigawan ng magulang ko...

"PAUL PLEASE WAG! PLEASE WAG PAUL, WAG MO NAMAN SILA ISAMA" mama said at kita ko kung paano magmakaawa si mama kay papa, nakaluhod ito habang nakahawak sa binti ni papa.

Tapos si papa nagmamadaling nagiimpake na siya ng mga gamit..

So aalis kami? Saan kami pupunta? Ayoko... Ayokong iwan si mama..

"NO IVY! IT'S TOO MUCH NA!, MATAGAL NA KITANG PINATIGIL PERO ANO?, SO MANY TIMES NA KONG NAGTITIMPI SAYO!" Gigil na gigil na sabi ni papa at pilit na inaalis ang kamay ni mama sa binti niya.

Naitulak niya si mama kaya napadapa ito sa sahig habang umiiyak.

"HINDI KO NGA ALAM KUNG MAHAL PA KITA EH!" Sabi ni papa na ikabigla ko.

"NANATILI LANG AKO DITO DAHIL SA ANAK KO IVY!, HINDI NA DAHIL PARA SAYO" dagdag pa ni papa pero si mama ay tumayo muli at lumapit at nagmamakaawa habang nakaluhod muli kay papa.

22 DAYS OF GAL • HAMBEBE🔞Where stories live. Discover now