Another Monday arrived, and as usual, I walked into my first class early, kung saan magkaklase kami ni Third.
Pero we never acknowledged each other sa classroom-not because ayaw ko, kundi dahil masyado siyang abala sa sarili niyang mundo at hindi man lang tumitingin sa akin. Pinapansin lang niya ako kapag may session; outside that, we were strangers. Well, totoo naman, hindi kami magkaibigan.
"Class dismissed!" sabi ng professor namin after checking the long quiz. "But Ms. Gonzaga, manatili ka. Kailangan nating mag-usap."
I knew it.
Sa hirap ng quiz, sobrang baba lang ng nakuha kong score. Sinubukan kong galingan at sagutan ito ng tama, pero puro maling sagot ang lumabas sa isip ko, leaving me with a score that was far below what I had hoped for.
As my classmates streamed out, even Third left, leaving only me and the professor in the classroom.
"Are you okay?" I was taken aback by the professor's question. Inaasahan kong papagalitan niya ako dahil palagi akong mababa ang score.
"P-Po?"
"Is everything alright?"
I grasped the pendant of my necklace, unsure of how to respond. Ginawa ko na ang lahat-sinubukan kong i-memorize at intidihin ang mga leksyon, pero wala talaga akong natutunan.
Paano ko sasabihin na wala akong naintindihan sa lahat ng itinuro niya? Paano ko sasabihin na kahit gaano siya kagaling, hindi ko pa rin ito naiintindihan?
At kung sasabihin ko ba ay maiintindihan nya ako? Hindi.
"Ms. Gonzaga?"
"I-I'm sorry, Prof..." nauutal kong sagot. "Babawi po ako." Deep down, alam ko sa sarili kong imposible.
"Your preliminary examinations are coming up soon. I hope your scores improve; they count for fifty percent of your grade."
"O-Opo..." I replied, my voice tinged with embarrassment.
Who wouldn't feel ashamed when nearly all my quiz scores were low? Walang ni isa ang naka-passing score, at ang mas malala, hindi man lang nangalahati ang nakukuha kong scores.
I felt disappointed, but there was nothing I could do-dati na akong ganito, bobo ako.
"You may go now." he said, gesturing toward the door. Walang lingon-lingon, umalis ako.
A mix of sadness and shame welled up inside me. Nakakalungkot dahil kahit anong gawin ko, wala talaga akong maintindihan, at nakakahiya dahil may tutor na ako pero wala paring pinagbago.
Bobo parin ako.
I walked slowly down the hallway toward my second subject, clutching a thick book while nervously holding onto my pendant.
As I walked alone, I suddenly noticed someone beside me. Napalingon ako at halos mapatalon sa gulat nang makita ang hindi inaasahang tao.
"Aba'y tangina-bakit ka sumusulpot?!"
Wala akong gana makipagkulitan. Kung akala nito'y magjo-joke ako, nagkakamali siya; dahil mas malakas ang tsansa na masuntok ko siya kaysa makipagbiruan ako sa kan'ya.
"Did I surprise you?"
"Tingin mo?"
He flashed a sweet smile at itinuro ang nameplate sa uniporme niya na may nakalagay: Psychology Department: Dian Lucas Pablo.
Napataas ang kilay ko. "Psychology din course mo?"
Tumango siya at itinuro ang dibdib ko. Napatingin ako doon at kaagad na tinakpan ito. Masama ko syang tinignan. "Tangina mo-"
YOU ARE READING
Three O'clock | Hexagon Series # 1
RomanceThird Hionny Vellas distinguishes himself with his compassionate nature among his intellectually gifted yet morally flawed friends. He encountered Celinee Hailey Gonzaga, a student grappling with academic challenges, and became her tutor. Celinee fe...