CHAPTER 1: CRAMPS!!!

2.7K 16 8
                                    

ROYAL PROMISE

(CHAPTER 1-13 COMPLETED)

Written by: justess

Genre: Romance / Humor

INTRODUCTION:

CHARACTERS:

* Hervie Tanima (Female)-15
* Yamasuki Deiko (Male)-17
* Kaissy Kaini (Female)-16
* Jonas Hugura (Male)-16
* Clarrieneth Watsuki (Female)-15
* Taisuki Shuji (Female)-16
* Azari Fukino (Female)-15
* Dino Deiko (Male)-7
* Mai-mai Hannai (Female)-7
* OTHERS...

Q.A. PORTION TO HA!!!

ITO ANG QUESTION

What are the difference between....

SECRET AND PROMISE?

O SYA!

Ako pala si Hervie Tanima. Shining 15. Nakatira sa 14 Fiernante Street, Manaoag, Pang. Ako ay isang simpleng estudyante, 2nd Yr. sa FIERNANTE NATIONAL HS! Sabi pala ng mamsi ko, dapat daw ang pangalan ko ay Fervie, pero yun ang naitype sa birth certificate ko eh! Sayang, ang sosyal sana nang pangalan ko! Pero ok lang, at least may name! Hehehe!

Ang iniisip ko, ang far kaya ng letter F sa letter H. Di ba!

Ay ito pa pala, ako rin ay pasmado,kaya nga nakakainis! Pag ako ay nagsusulat, grabe! Dahil sa sobrang basa ng kamay ko! Dahil dun, malapit nang mapunit ung papel ko!

Grabe talaga!

Mas lalo pag may exam, secret lang natin to ha! Kaya silent ka lang ha! Kasi... Nerbyoso din ako kaya mas lalong namamasa ang kamay ko. Hindi rin ako matalino eh!

Hmmm...tandaan mo! Observe silence!

Pero may good style din ako noh! Komedyante ako pero may problema, ako ay mahiyahin! Nakakainis!

This story is all about....

Me! Syempre, sino pa kaya!

Ready ka na ba? Para sa Chapter 1, kasi......

Hindi pa yun ang next! Hehehe! Joke lang! Alam ko naiinip ka na, kaya JUMP na tayo sa Chapter 1! Kaya maghanda ka na becoz' IMR na ako.

CHAPTER 1: CRAMPS!!!

{ Hervie's POV }

KRRINGG! sabi ng.....

Manok?

Ay! Mali! Sabi ng "morning clock" ko! Ba't "morning clock"?, kasi sa 6:00 o'clock ng umaga tumutunog lang iyon, kaya tinawag ko itong "morning clock". O yan ha! Alam mo na ang history ng aking panggising sa umaga... Grabe! importante pala ang details ng clock na iyon! V.I.T Lang!

CHARING!HEHEHE!

O, Balik na tayo! Yun nga!, sa super lakas, hindi pa ako magising he!.

Grabe! Mantika kung matulog! Masisi mo ba ako. Ako ay nagigising tuwing 7:00 am at ang klase ko ay 7:30 am. Kaya sa paggising ko, ay dali-dali akong naliligo at kumain ng super fast na parang si Flash at kinuha ko ang aking baon sa mesa na ginawa ng aking beautiful mamsi. Kaya ganun, always akong nalilate sa aking klase. Strict pa naman ang aking teacher.

Grabe magpahiya! Kaya palaging sinasabi sa akin ng teacher ko na:

" Ikaw! Hervie! palagi kang late!,ano ba ang ginagawa mo! Kasi puro laro ang nasa mind mo!
Palibhasa!, IDI*TA ka!"

(Nung uupo na si Hervie)

Nagpahabol pa nang salita ang teacher ko na bilang parusa niya sa akin, nakatayo ako hanggang matapos ang aming klase. Grabe! Ang sakit na ng paa ko! at kahit masakit ang sinabi sa akin, hindi ako umiyak dahil alam ko naman na hindi yun totoo. Ako yata to! Sa super scaredo,ang tahimik nang klase namin.

ROYAL PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon