CHAPTER 13: A DATE BEFORE HE GOES (PART 2)

298 3 2
                                    

Part 2

" Hay... Bagong araw na naman. Bakit kaya hindi pa nagte-text si Dhe? Ganitong oras nagtext na dapat siya sa akin! Ah... Baka pagod lang siguro siya dahil dun sa date namin kahapon! Bisitahin ko nga!" sabi ko tapos bumangon na ako sa kama.

Syempre, inayos ko muna yung bed. Pagkatapos kong ayusin yung kama, nagpaalam na ako kay mamsi habang siya ay nagluluto.

" Mamsi! Pupunta muna ako kina Yamasuki!" paalam ko sa'king mamsi.

" O sige!" sabi niya rin naman habang siya ay nagluluto ng breakfast.

Tapos lumabas na ako sa house. Nung nandun na ako sa gate nina Yamasuki, nag-gatebell ako. Nung unang gatebell ko, hindi pa bumukas yung gate kaya ilang beses na akong nag-gatebell pero wala pa rin. Hanggang may nagjo-jogging na matanda na nakita ako. Tapos kinausap niya ako.

" Iha, kanina ka pa dyan ha!" sabi nung matanda sa akin.

" Kasi po... Gusto ko lang pong bisitahin yung classmate ko po." sabi ko dun sa matanda.

" Ay! Iha, wala nang tao dyan!" sabi naman niya ulit sa akin.

" Pero... Imposible po yang sinasabi ninyo." sabi ko ulit.

" Nakita ko kasi na yung may-ari ng bahay na iyan kanina na may dala-dalang mga bagahe habang ako ay tumatakbo." sabi naman nung matanda.

" Nakita niyo po ba yung isang babae at dalawang lalaki?" ask ko dun sa matanda.

" Oo, pupunta yata sa abroad yung mag-iina!" sagot niya naman.

Pagkarinig ko yung sagot na yun, tumakbo ako patungo sa park. Habang ako ay tumatakbo papunta sa park, sobrang nagaalala na ako. Nung nakarating na ako dun sa park, walang katao-tao. Tapos pumunta ako dun sa Mary Garden. Nung nandun na ako, lumibot-libot ako pero wala pa rin sina Yamasuki. Nandun ako sa wishing falls na umiiyak. Habang ako ay umiiyak, biglang may nagcall sa cellphone ko tapos kinuha ko agad ito sa bulsa ko. Pagkakita ko, si Yamasuki yung tumatawag kaya sinagot ko agad.

" Hello? Nasaan ka?" tanong ko sa kanya habang ako ay umiiyak at humihikbi.

" Nasa airport ako ngayon. Sorry Mhe kasi hindi ko sinabi sa iyo na aalis na ako. Pinaaga ni mom yung flight namin papunta sa amerika." sagot niya naman sa question ko.

" Ang daya-daya mo! Ang daya-daya mo! Paano na ako ngayon?!" sabi ko sa kanya habang umiiyak ako nang sobra-sobra.

" Babalikan kita Mhe! Babalika kita Mhe!" sabi ni Yamasuki habang siya rin ay umiiyak.

" Ang daya-daya mo! Ang daya-daya mo! Ang daya-daya mo." sabi ko sa kanya ng pahina nang pahina tapos inend ko na yung call.

Nung inend ko na yung call, napaluhod ako habang ako ay umiiyak. Ang sakit pala noh pag lumayo yung pinakamamahal mo noh! Grabe, ang sakit-sakit talaga. Sa side naman ni Yamasuki, umiiyak din siya sa sobrang sakit ng ginawa niya kay Hervie. Pagkatapos nun, naglakad na ako pauwi habang tumutulo ng tumutulo ang tears ko. Nung nandun na ako sa bahay, nakita ako ni mamsi na umiiyak.

" Anong nangyari sa'yo, anak?" concern ni mamsi sa akin.

Pero pumunta lang ako dun sa kwarto ko. Nung nandun na ako sa kwarto ko, humiga ako agad dun sa bed at dun, nagsisiiyak ako. Buong araw akong umiiyak at nawalan na rin ako ng gana na kumain kaya hindi na ako kumain ng buong araw.

Lumipas ang ilang taon, habang naghihintay si Hervie kay Yamasuki, nagfocus muna siya sa kanyang pag-aaral at ngayon, graduation niya na tapos siya pa ang valedictorian sa university na tinatawag na "University of Saint Luis". Hindi niya na rin kasama ang mga besties niya dahil si Taisuki ay nag-aaral sa University of Sto. Tomas, si Azari naman ya nag-aaral sa De La Salle sa Manila at si Clarrieneth naman ay nag-aaral sa University of the Philippines sa Manila rin. Si Hervie ay maggra-graduate naman sa kursong education, si Azari ay magtatapos sa kursong psychology, si Taisuki naman ay sa kursong physical education yung tungkol sa mga sports at si Clarrieneth ay magiging fashion designer na. O sya, dun na tayo sa side ni Hervie. Nawalan na ng komunikasyon sina Hervie at Yamasuki. Nung tinawag na si Hervie.

ROYAL PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon