CHAPTER 13: A DATE BEFORE HE GOES
Lumipas ang ilang buwan, summer break na nila. Kami pa rin ni Yamasuki. At alam na rin ni Jonas at Kaissy yung relationship namin ni Yamasuki dahil sinabi ko sa kanila. Muntikan pa nga akong masampal ulit ni Kaissy nung sinabi ko sa kanya pero hindi niya tinuloy. Syempre, hindi magpapahuli ang aking mga besties. Alam na rin nila. Nung sinabi ko nga sa kanila, ang saya-saya nga nila na parang walang bukas kasi alam nilang hindi pa ako nagkaboyfriend since I was born in this world. Yung na NBSB. Ang hindi lang nakakaalam ay yung mamsi ko, mamsi ni Yamasuki, Dino at si Mai-mai. Syempre, nung nalaman din ng buong klase yung relationship namin, hindi sila makapaniwala. Of course, hindi mamawala ang mga humors. Meron nga yung time na parang maghihiwalay na kami ni Yamasuki pero hindi namin inalala yun kaya hanggang ngayon, kami pa rin. O sya, ngayong araw pala ay ang date namin ni Yamasuki kaya kailangan kong maghanda. At naghanda na ako. Naligo ako, nagdamit ng damit na bagong bili, nagtoothbrush at inayos ko ang mukha ko syempre. Habang ako ay nag-aayos ng mukha, may nagbusina na kotse. Dahil dun, hindi ko sinasadyang lumampas ang paglalagay ko ng lipstick. Pinunasan ko agad yung lumampas na lipstick. At syempre, yung kotse pala na nagbusina ay yung kotse ni Yamasuki. O sya, nagpaalam na ako kay mamsi.
" Mamsi! Pupunta na po ako!" paalam ko kay mamsi.
" O sige! Mag-ingat ka anak!" paalala ni mamsi sa akin.
" Opo!" sabi ko naman at lumabas na ako sa bahay ko at nakita ko si Yamasuki. Syempre, binati ko siya.
" Good morning Dhe!" bati ko sa kanya.
" Good morning din Mhe!" bati niya rin sa akin.
Tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng car. Sumakay ako dun sa car at nung nakasakay na ako, sumakay na rin siya. Pumunta kami sa isang lugar na tinatawag na "picnic land". Sa totoo lang, hindi pa ako nakapunta dito sa picnic land ever seen in my life. Nakakita ako ng mga mountains na sobrang green. Ang ganda nga dito eh! Nung nakapunta na kami, bumababa siya tapos binuksan niya yung door sa side ko at bumaba na rin ako.
" Ang ganda naman dito!" sabi ko.
Si Yamasuki naman ay may kinukuha dun sa likod ng car. Kinukuha niya yung pagkain at yung isang nakaroll na bagay. Pagkatapos niyang inalatag yun, napaupo ako at tinanong ko siya.
" Bakit walang katao-tao dito? Di ba private 'toh?" tanong ko sa kanya.
" Nirentahan ko kasi 'tong lugar." sagot niya naman.
" Ha?! Totoo ba yan?!" shock kong tanong sa kanya.
" Oo nga, para sa'yo!" sabi niya naman sa akin.
" Nakakatouch naman!" sabi ko rin naman ah.
" Syempre! Ako yata 'toh!" payabang niya naman sa'kin.
" O sya, kain na nga tayo! Ano bang nandito?" sabi ko sa kanya habang hinahalungkat ko yung basket.
" May sandwiches, fruits, chocolates, junk foods, fried chicken, rice at ice cream."
" Ice cream?! Nasaan yun?" sabi ko sa kanya.
" Dun sa palagyanan ng softdrinks!" sabi niya sabay turo dun sa isang malaking container na blue. Para siyang jug na box.
Pagkabukas ko, nakita ko ang madaming ice creams at softdrinks. Ang dami ngang flavors ng ice creams. May chocolate flavor, strawberry flavor, buko-salad flavor at iba pang flavors ng ice creams. Ang kinuha ko na lang ay isang magnum. Hehehe!
" Bakit isa lang ang kinuha mo?" nagtatakang sabi ni Yamasuki sa'kin.
" Hindi ko kasi maubos eh!" sabi ko naman.

BINABASA MO ANG
ROYAL PROMISE
Romance(Complete) There's a student named Hervie that accidentally fell in love to a smart, handsome but so disgusting student named Yamasuki. Hervie Tanima is a student that is funny,freak, not smart and poor. She always denies that she doesn't like him...