CHAPTER 10: BIG REVELATION!

221 5 1
                                    

CHAPTER 10: BIG REVELATION!

( Sunday Morning )

Tinggg! Tinggg! ( Phone )

" Hay... Sino kaya 'tong nagtext? Umagang-umaga! Kainis!" sabi ko in the morning.

( When I open the message )

Text message:

Mamayang 1:00 pm ang labas natin ha.

From: Jonas

Oo nga pala! Sunday pala ngayon! Kaya kailangan kong maghanda! Btw, inferness... Kinikilig na ako kahit mamaya pang 1:00 pm pa. Hehehe! Kerengkeng lang ang peg eh! O sya, hindi na ako makapaghintay! Ay sus marya! Ano palang idadamit ko mamaya!? At naghalungkat at naghalughog na si Hervie ng mga damit niya. Grabe yung two words na ginamit ko noh! Deep as Marianna's trench! Hehehe! ^_^

Habang ako ay nagpipili ng damit na isusuot ko mamaya, nakita ako ni mamsi.

" Ba't parang busy ka sa paghahanap ng damit mo? May pupuntahan ka ba?" tanong ni mamsi sa akin.

" Opo ma, pero mamayang one pa po eh!" sagot ko naman sa question ni mamsi.

" San ka naman pupunta?" she asked again.

" Lalabas lang po kaming dalawa ni Jonas!" I answered also.

" May money ka?" tanong ulit ni mamsi.

" Yun nga lang po, wala po akong money eh!" sagot ko naman.

" Heto! 200 pesos!" sabi ni mamsi sabay bigay nung pera.

" Ma... Eto lang?" tanong ko kay mamsi.

" Nakukulangan ka? Sige, bawasan natin!" pabirong sabi ni mamsi.

" Kayo naman po! Hindi kayo mabiro! I'm just joking you know? Hehehe!" sabi ko rin naman ah with matching little bit of laughter.

" O sya, lilinisin ko pa itong bahay!" sabi ni mamsi tapos hindi niya na ako pinansin.

Ako naman, nagpipili pa rin ng damit na isusuot ko mamaya. Nung nakapili na ako, kumain na ako ng konti kahit hindi pa lunch. Pagkatapos kong kumain, nagpahinga muna ako. Dahil 10:45 am pa lang, mamayang 12:00 pm na lang ako maliligo. At nung 12:00 pm na...

Naligo na ako. Pagkatapos kong maligo, nagdamit na ako at nagaayos na rin ng mukha. Habang ako ay nagaayos ng aking mukha, biglang may tumawag sa cellphone ko na si Jonas kaya sinagot ko naman.

" O, Jonas! Ba't napatawag ka?" tanong ko sa kanya sa phone.

" Nandito na ako sa gate niyo." sagot niya naman.

" Huh? Nadyan ka na sa gate?!" tanong ko ulit sa kanya at tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Pagkakita ko, 1:00 pm na.

Ang tanga-tanga ko! Hindi ko na namalayan ang oras! Ang shongak-shongak ko talaga!" sabi ko sa sarili ko at syempre, bago ko sinabi yun, tinakpan ko muna yung phone.

" Ano yun?" tanong ni Jonas sa phone.

" Hindi! Este, wala lang yun! O sige, lalabas na ako." palusot ko naman.

Inend ko na yung call tapos nagpaalam ako kay mamsi.

" O, mamsi... Nandito na po si Jonas. Kaya punta na po ako!" paalam ko sa aking mamsi.

" O sige! Magingat kayo dyan sa pupuntahan ninyo at wag ka ring magpapagabi." bilin naman ni mamsi.

" Opo!" sang-ayon ko naman at ako na ay lumabas na rin.

Pagkalabas ko, nakita ko si Jonas at binati ko siya.

" Hai Jonas!" greet ko sa kanya.

" Hai din!" greet niya rin naman sa akin.

ROYAL PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon