nagpasikdo ng puso
heto na naman si kupidong pilyo
hindi na tumigil sa pagbibiro
natamaan na naman ako ng kanyang palaso
kaya walang tigil ang pintig ng aking pulso
hinto, hinto, kumakabog ang puso!
bakit hindi tumigil, panay ang lakad-takbo
makita ko lang siya, mukhang delikado
bakit panay ang pintig ng puso kong ito?
kasalanan mo to, kupidong pilyo!
bakit parang ako lang ang natamaan, ako'y aburido
ni hindi ko nga maintindihan kung bat ako nagkakaganito
para bang gulong ang nararamdaman ko
iniikot ikot hanggang mahilo
subalit kahit anong mangyari, siya parin ang gusto
Bakit ako naging isang Ash
na na stuck sa isang Pikachu,
na andami-dami ko namang
pagpipilian pero palaging
"I choose you!".
- Carlo Bonn Hornilla