Demetrius's POV
Nakatulala pa rin akong nakatitig kay Dorothea habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ng lahat. Parang nasa isang slow motion ang mundo ko. Wala akong ibang marinig kundi ang malambing na boses niya.
Then, she shifted her gaze, and for a moment, nagtagpo ang mga mata namin.
Napakaganda niya—mas maganda pa kaysa sa mga alaala ko. Her once chubby, cute cheeks had matured into more defined, elegant features. Para siyang nag-evolve mula sa pagiging isang adorable na bata tungo sa pagiging isang angelic na dalaga.
Napahinga ako nang malalim, pero parang may bumara sa lalamunan ko. Saglit lang ang eye contact namin, ngunit sapat na para mag-freeze ako sa kinauupuan ko.
She looked at me like I was just another face in the crowd—walang bakas ng pagkakilala.
Hindi ako umasa, pero deep down, parang may kaunting kirot. Matagal na 'yun, Demetrius. Huwag ka nang umasa na maaalala pa niya 'yung mga pinagsamahan niyo nung bata pa kayo.
Bumaling ulit siya sa mga audience, nagbigay ng ilang huling salita ng pasasalamat, at pagkatapos ay tumalikod para umalis ng stage. Biglang pumalakpak ang buong auditorium, at doon ko lang narealize na tapos na pala ang event. Lahat ng mga estudyante ay nagtayuan at nagsimula nang bumalik sa kani-kanilang classrooms.
Tumayo na rin kami ng mga kaibigan ko. Nagpaalam na si Matthew at Theodore, pero ako? Parang wala sa sarili habang sinusundan si Enzo papunta sa classroom namin.
Pagdating namin sa loob ng classroom, pumunta na agad ako sa aking upuan at napaupo bigla. Nagsimula naman nang mag-usap ang mga classmates namin tungkol sa Student Council at sa event kanina, pero ako, parang wala pa rin sa realidad.
"Bro," sabi ni Enzo, sabay tapik sa balikat ko. "What's up with you? Kanina ka pa tahimik. Tiningnan ka lang ng bagong president, nawalan ka na ng ulirat?"
Umiling ako, pilit na binalik ang focus ko. "Hindi, bro. Wala 'yun."
Umupo si Enzo sa harap ko, tinutukso pa rin ako. "Come on, 'wala' daw? Obvious naman eh. You were staring at her like you've seen a ghost or... your ex or something."
Napahinga ako nang malalim. Gusto kong ikwento kay Enzo, pero parang hindi ko kayang aminin na si Dorothea Devin—ang batang babaeng minsan kong pinangakuan ng kasal ay nakita ko na ulit matapos ng mahabang panahon.
Pero ang mas nakakatakot at nakakapanlumo? Ang hindi niya na ako makilala. Na hindi niya na ako maalala.
"Bro," sabi ko, sinimulang magsalita habang nakatitig pa rin sa aking mga kamay. "Remember 'yung childhood friend ko na kinukuwento ko dati? 'Yung sinabi ko na nag-move sa ibang bansa at hindi ko na ulit nakita?"
"Oo naman," sagot ni Enzo. "Si... ano nga 'yun? Dottie, right?"
Tumango ako. "Siya 'yung bagong Student Council President."
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Romance"I once said I was your forever. That promise still stands, even if the years have taken it from your memory. I'm still yours." Demetrius Guevarra, the dedicated captain of Winterville Academy's volleyball team, has always held onto the memory of hi...