Pansamantala

17 0 0
                                    

Sandalan sa tuwing nangangailangan
Mga tinig na handang pakinggan
Mga palad na ang luhay handang punasan
At ako na pwede mong matakbuhan

Karamay mo sa tuwing may problema
Handang makinig ang aking mga tenga
Nagpapabubuo sayong pusong durog at malala na
At lagi kong sinasabi sayong "ako na ang bahala"

Nagsisilbi mong orasan at gabay
Inaalalayan ang mga nag babasaan mong kamay
Dapat dahan dahan lang at malumanay
Sayo na kase ako laging sanay

Iniingatan ka
Binibigyan ng oras at halaga
Laging nasa tabi mo kahit na
Kahit na nasasaktan ka na dahil sa kanya

Ako ang laging mong tinatakbuhan
Sa tuwing kayo ay nagkakalabuan
Ako ang lagi mong sinisilungan
Sa tuwing ang mga luha sa yong mata'y umuulan

Mga dibdib kong akap akap mo
Damit kong nababasa sa mga luha mo
Sa mga pagsasalita't pa hikbi mo
Ako ang nag sisilbing panyo para sayo

Yung pansamantala lang
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Ikay aking pinapatahan
Kung babagsak na naman ang ulan

Bat ba kase hindi na lang ako?
Yung mahalin mo ng buo
Nandito naman ako
Bat di mo makita ang halaga ko?

Pero kahit man ganun
Magkalabuan man ang inyong relasyon
Kahit na na dadayaan ako sa sitwasyon
Sa huli ako parin yung magiging second option

Dahil akoy pansamatala lamang
Na natatakbuhan mo ng walang pag aalinlangan
Tanging second option lang
Pansamantala lang

SA PAGSULAT IPAPADAMA : Spoken Word Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon