JMF

16 0 0
                                    

Buhay na parang gulong
Ihip ng hanging bumubulong
Mga sanang nakakulong
Parang pangakong nakabaon

Takbo ng buhay ay kakaiba
Minsan masakit minsan masaya
Parang bulaklak na sobrang ganda
Kahit sa pagtiklop ay di nag iiba

Siguro kahit gaano man kaganda ang relasyong nabuo
Ganun din kabigat ang sakit na matatamo
Kahit sobrang saya na ang mararamdaman niyo
Dadating din ang araw na magkakasakitan kayo

Sa umpisa lang masaya
Pag natagal masakit na
Pero sa totoong pagmamahal may kakaiba
Di niyo kailangan maghiwalay dahil mahal niyo ang isa't isa

Pero hindi naman kase laging ganon
Hindi natin alam ang takbo ng panahon
Kontrolado man natin yung ngayon
Pero malaki na ang pag kakaiba sa noon

Walang ibong hindi nakakalipad
Walang sikretong hindi nalalantad
Walang relasyong hindi natitibag
Pero may mga pangakong hindi natutupad

Aminin man natin o hindi
Marami din tayong pagkakamali
Sa pangako nating sa salita madali
Pero sa pag gawa pa unti-unti

Oo tama kayo, tama sila
Actions speak louder than words ika nga nila
Pero sa mga pangako ay dyan nag iiba
Mga pinaasang papaasahin lang pala

Nangako na ganito
Nangako na ganyan
Mga pangakong hindi nalulubayan
Mga pangakong ang hirap na paniwalaan

Pa iba't iba ang dahilan
Mga salitang hindi na pinapakinggan
Pagod na sa mga katagang binitawan
At ubos nang naririnig ang dahilan

Pero sa likod nito ay yung totoo
Pagod na dahil sa mga pinapakita sayo
Hindi din sang ayon yung magulang sa relasyon niyo
Kaya napapa isip na lang na tama ba to?

Isip na naguguluhan
Pusong nasasaktan
Pag gusto may paraan?
O gagawa na naman ba ng dahilan?

Relasyong hininto na talaga
Kase wala ding silbi kung ipagpapatuloy pa
Kase sa umpisa
Hindi ka rin tanggap ng pamilya niya

Kaya yung mga pangakong kataga ko?
Alam kong itinaga mo na sa bato
Pero ito na ang huli at totoo
Pagod na ako dahil din sa pangungutsa ng magulang mo

Ayokong ng ipagpatuloy pa
Ayoko ng ipagtagoan ka
Ayoko ng magtaguan pa
Kase ang katulad mo'y ipinagmamalaki sa madla

Pero ngayon tama na
Mahal kita pero takot na ko talaga
Kahit na ipaglaban pa kita
Alam kong sa huli maghihiwalay parin tayong dalawa

Kahit anong pilit at gawin ko
Ipakita mang seryoso ako
Di talaga ako gusto ng magulang mo
Kaya mag iingat ka na palagi mahal ko

Sana sa tamang panahon makita kita ulit
Sana sa panahong yun wala na yung sakit
Sana sa tamang panahon maging masaya tayo ulit
SANA SA PANAHONG YUN MULI TAYONG MAGKALAPIT

SA PAGSULAT IPAPADAMA : Spoken Word Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon