KA-IBIGAN?

38 1 0
                                    

Isang plaka na ang ganda tignan
Muni ng mga ibon sa kalangitan
Daloy ng alon sa dalampasigan
Mga tinig mong kay sarap pakinggan

Kumot na nagsisilbing proteksyon sa lamig
Unan na sumasalo sa mga luhang nangigilid
Bintanang nagbibigay liwanag sa isang madilim na silid
Mga mata mong saksi sa lahat ng sakit at kilig

Sa bawat pag agos ng luha ay kasabay ang pag buhos ng ulan
Bawat sugat ay laging merong sakit na nararamdaman
Pero kapalit naman nito ay siya rin ang
Sayang nadarama sa tuwing ikaw ay nandiyan

Oo ganyan ko
Ihalintulad ang isang babaeng katulad mo
Ikaw ang papel sa bawat pahina na isusulat ko
Ikaw ang panyo sa bawat pag patak ng mga luha ko

Ikaw ay laging nariyan
Ang lagi kong nasasandalan
Matalik kong kaibigan
Ang tangi kong inspirasyon at ang dahilan
kung bakit ngayon sobra na kong naguguluhan

Mga ngiti mong hindi maihahantulad sa iba
Mga mata mong nagni ning-ning sa ganda
Presensya mong hindi ko makita sa iba
Ika'y aking pahinga sa tuwing ako ay mag isa

Hindi ko alam kung torpe ba ko
O baka lagi na lang dinadaga tong dibdib ko
Pero isa lang ang gusto kong mangyari dito
Na kung sakaling malaman mo yung totoo
Di sana mag bago yung pagtingin mo

Hindi ko alam kung tama ba to
Itong nararamdaman ko para sayo
Alam kong matalik na magkaibigan lang tayo
At hindi ko sinasadyang mahulog sayo

Tingin mo saakin ay isa mong matalik na kaibigan
Na sa lahat ng oras ay pwede mong malapitan
Mga balikat na pwede mong masandalan
Mga kamay na pwede mong kapitan

Kaso hindi ko alam yung takbo ng isip mo
Hindi ko alam kung gusto mo rin ako
Baka kase pag sinasabi ko sayo yung totoo
Masira yung pagkakaibigan nating binuo

Gusto kong sabihing gusto kita
Gusto kong sabihing wag kang mapunta sa iba
Gusto kong sabihing sayo lang ako masaya
Pero pano ko to magagawa
Kung ang tingin mo lang sa akin ay kaibigan lang diba?

Wag mo sana akong layuan
Wag mo sana akong lubayan
Iba na kase tong aking nararamdaman
Kaibigan ba or ka-ibigan?


Kaibigang matalik?
O kaibigang nakatali?
Pwede pa ba tong mabawi?
O sabihin na lang nating hindi na bale?


SA PAGSULAT IPAPADAMA : Spoken Word Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon