Noong una akala ko kayang kaya ko
Na intidihin ang isang katulad mo
Pingako sa sariling haharapin ko
Kung ano mang mga pagsubok toBago pa lang ako nanligaw ay iba na
Walang pinatagal at biglayong tayo na
Agad agarang sinagot kahit na
Hindi pa natin masyadong kilala ang isat-isaMaghihigit isang buwan
Sa magulang mo'y ating pinaalam
Na merong tayo kaya lang
Di sila sang ayon sa ating nasimulanKahit puro sakit ang aking natatanggap galing sa kanila
Pilit akong pupumupunta
Lahat na ata ng mga masasakit na salita tinanggap na
Para ipakitang seryoso ako sayo kahit masakit naNagtiis ng ilang buwan
Gumagawa ng paraan
Para ipakita sa kanilang
Seryoso ako sayong mag mahalKaso iba na talaga
Yung pangungutsa nila
Pati magulang ko dinadamay na
Yung ganun hindi na pwede dba?Okay lang na gawan ako ng kwento
Okay lang na saktan nila ako
Okay lang na ipaghiwalay tayo ng mga magulang mo
Pero hindi okay yung idadamay nila mga magulang koKaya hiniwalayan kita
Kase di ko narin kaya
Di sila suportado sating dalawa
At mas hindi ko kayang makitang sinasaktan ka nilaKahit na wala ng tayo
Komunikasyon natin d nagbabago
Patago tayong nagtatagpo
Kahit na minsan masyado nang malaboHanggang sa tumagal
Unti unti nakong nasasakal
Sobra kitang mahal
Pero di ko na kaya pa na magtagalMas nagiging toxic na
Mga reklamo mong nakakasakal na
Puro ikaw, ikaw, ikaw na lang ba?
Ang kailangan kong intindihin sinta?Kung ano yung gusto mo dapat ganito
Kung ano yung masusunod dapat ito
Konting mali ko galit agad yung natatamo
Eh paano naman yung mga gusto ko?Laging ikaw lagi
Ikaw lagi ang iniintindi
Nag aaway sa umaga at gabi
Ibang iba na to sa datiKaya sorry kung nag iba na
Pasensya kung ako'y pagod na
Buong buo ako nung una pa
Pero ngayon akoy ubos naDi ko naman to ginusto
Pero pagod na tong puso
Mga masasakit na salitang natatamo
Ng dahil din sa magulang moPasensya aking sinta
Kung di ko na matutupad pa
Yung mga pangako nating dalawa
Kase akoy bibitaw naKaya kung nababasa mo man to
Sana sa ngayon ako naman yung intindihin mo
Kase ubos at pagod na pagod na ako
At salamat sa pagmamahal nating nabuo
BINABASA MO ANG
SA PAGSULAT IPAPADAMA : Spoken Word Poetry Collection
PoetryHere's my collection of Spoken Word Poetry