Narrator POV
Kasalukuyang nakag*pos si Ashley ngayun sa isang madilim at masikip na kuwarto. Puro sugat ang katawan nito dahil sinubukan nyang manl*ban habang dinadakip sya ng mga nakamaskarang kalalakihan habang bumibili sya ng halo halo. Maya maya ay may lumapit sa kanyang isang binata na naka face mask with matching black leather jacket. "Hayy jackpot nga naman talaga, sa wakas nag tagumpay na ang plano ko at magagantihan ko na rin ang iyong ama"bulalas nito habang tumatawa "sino kaba? Ano bang kasalanan namin sayo at sa Daddy ko?" Tanong ni Ashley na nagpup*miglas parin mula sa pagkakatali. "Sya lang naman ang nag iisang dahilan kung bakit nasira ang reputation ng Aragon Clan, ngayun ang gusto ko gumanti rin sa inyo at magagawa ko yun sa pamamagitan mo" saad nito "Lance?! Powtangina mo talaga! Pakawalan moko rito" tugon ni Ashley bago tuluyang tumulo ang mga luha. "Dadaan muna ang tatay mo sa bangk*y ko bago mangyari yun" pagtatapos na saad ni Lance bago tuluyang lisanin ang kuwarto.
.
.
.
.
Fast Forward
.
.
.
.Maya maya ay may isang naka maskarang lalaki ang lumapit kay Ashley "Oh ayan kumain ka na sabi ni Boss Quadro Alas" paaigaw na saad nito sa dalaga. "At sino ka para utusan ako!?" Tanong ni Ashley sa lalaki na tinawanan lang nito. "Hmm mas masarap ka pala pag matagal na tinitigan, akin ka ngayun Miss Ashley Mondragon" saad ng lalaki. "Tangina mo! Ito ang tikman mo! Wag ang asawa ko!" Sigaw ni Dave bago kalabitin ang gatilyo sa ulo ng lalaki. "Ayos ka lang ba? Sorry kung nahuli ang dating ko" saad ni Dave bago tulungang makawala ang dalaga. "Oo ayos lang ako si Daddy kumusta?" Tanong nito "Wag mo silang alalahanin ang mahalaga makatakas tayo rito" saad ni Dave.
.
.
,
Nang malapit na sila sa gate ay biglang may nagsalita sa isang sulok. "Subukan nyong gumalaw! Di kayo aabutang buhay ng mga magulang nyo" saad ni Quadro Alas habang nakatutok ang baril sa sintido ni Dave.