[Rhian's POV]2 weeks na ko dito sa bahay. And i am so damned bored na. Gusto ko na gumala, namimiss ko na magtaping, namimiss ko na ung mga co-actors ko at higit sa lahat, namimiss ko na si Glaiza. And i miss my bestie too, si Bianca. Binibisita naman nila ko dito sa bahay, especially si Chynna at Glaiza. Basta walang taping dito sila naggagala. Si Bianca twice pa lang nagpupunta dito. Busy daw eh. Di ko pa pa nasasabi sa kanya ung about samin ni Lovelove.
Gusto ko na sabihin, pero di ako makakuha ng tiyempo. Ito na siguro ung time para aminin ko sa bestie ko ung totoo. She texted me a while ago na pupunta siya dito. Kaya eto naghihintay ako dto sa room ko.
Natanggal na kahapon ung cast sa mga paa ko, kaya okay na ko. Nakakapaglakad na ko ng maayos.
Habang hinihintay ko si BFF, eto nagbabasa ako ng tweets, ang dami na naghahanap sakin. Napapangiti ako kasi talagang namimiss na nila ung pangungulit ko. Di ko naman akalain na ganito ung magiging pagtanggap sakin, samin ni Glaiza ng mga tao. Nakakaproud. Masasabi ko na ito na ung pinakamagandang nangyari sa career ko. At ito na din ung pinakasuccessful na LT ko. Tapos ung LT namin, nanging for real pa. :)
Im scrolling my phone to Glaiza's twitter account ng biglang pumasok si Bestie. Bigla ko tinago sa ilalim ng unan ko ung phone.
Uso kumatok bestie.. Sabi ko
Hi to you too. Nakasimangot niyang sagot. Ganyan mo naba batiin ang bestfriend mo ngayon? Nakataas ang kilay na dagdag niya sabay lapit at nakipagbeso sakin
Nakakagulat ka naman kasi B, bigla-bigla ka na lang pumapasok. Sabi ko at hinug na siya.
Dati pa naman ako pumapasok dito kahit di ako kumakatok ah!
Yeah! I know! Its just that, nagulat lang talaga ako. Paliwanag ko. Kilala ko to eh. Numero unong tamporista.
Ikaw na nga lang dinadalaw eh, ganyan ka pa. Alis na lang kaya ako. Sabi niya. Ayaw paawat. Matampuhin talaga.
Sorry okay? Nagulat lang talaga ko.
Okay. Bakit ba ang dalas mo magulat ngayon? Nung last time na nagpunta ako dito. Ganyan ka din.. Ayan na nagtanung na.
Bakit nga ba?
Kasi nga may tinatago ako sa kanya, di ba nga ngayon ko pa lang sasabihin. Pero natatakot naman ako. Panu kung di un tanggapin ng Bestie ko? Panu kung magalit siya?
Pero kilala ko din naman siya eh, lahat'lahat tanggap niya sakin. Kaya nga kami nanging magBFF eh. Di ko lang alam kung panu ko sasabihin.
Hoy Rhi! Tinatanung kita eh. Natulala kana Jan. Is there something wrong? Nag-aalalang tanung niya.
Ahmmm--
Di kaya dahil yan sa pagkakaaksidente mo Bestie? Naku baka may damage na Jan sa ulo mo.. Hala! Ang OA diba? BFF ko po talaga yan. Haha
Hindi! Oo may after shock pa ko dun sa nangyari pero wala naman akong tama B. Parang kang si Mommy. Ang OA niyo. Natatawa kong sagot, pero deep inside kinakabahan talaga ko..
Di mo naman maiaalis sakin mag-isip diba? Natatawa na din niyang tanung sakin.
Oo na!
Pero okay kana ba talaga? I mean, wala ng masakit sayo? Tingnan ko nga yang paa mo. Pagkasabi niya nun, bigla na lang niyang hinampas ng malakas ung paa ko.
Aray! Anu ba? Masakit ha? Reklamo ko
Ayan okay na nga! May pakiramdam na eh. Hahaha. Sabi niya.

YOU ARE READING
LOVE iS UNPREDiCTABLE
FanfictionThis story is from the Teleserye THE RiCH MAN'S DAUGTHER. Masyado akong naattached at nadala sa paLabas kaya eto naisipan gumawa ng sariLi kong story.. Hope You Like it guys.. Mga kaRASTRO support lang tayo.. Mabuhay ang #JATHEA :) THANKYOU!