Finally

1.1K 43 1
                                        


[Rhian's POV]

3weeks later..

Nung sinabi ko kay Glaiza ung nararamdaman ko. Parang nawala lahat ng takot ko. Gumaan ung pakiramdam ko. Mahal ko siya kaya dapat lang na malaman niya un. Masaya ako. Masaya kami ngayon. Wala pang nakakaalam na kami na. Kahit si Chynna. Pero sasabihin nadin namin sa kanya ngayon. Alam ko matutuwa siya. May usapan kami na magkikita-kita sa condo ni LoveLove(Ung tawagan namin sa TRMD, un nadin ung tawagan namin ngayon)

Nandito na ko ngayon sa labas ng condo ni LoveLove. Kakatok na ko ng biglang bumukas. Si LoveLove ang nagbukas. Nakangiti siya. Alam ko masaya siya kasi magkakasama na naman kami. Ako din naman masaya eh.

Hi LoveLove! Kanina kapa Jan? Bakit di ka kumatok. Sabi ni Glaiza

Hindi Love. Kakadating ko Lang. Kakatok na nga sana ko eh. Bigla naman bumukas. Alam na alam mo na nandito na ko. Sabi ko habang nakangiti.

Oo naman LoveLove. Halika na pasok kana sa loob. Nandito na din si Chyns. Sabi ni Glaiza at hinawakan ung kamay ko para makapasok na kame sa loob.

Hoy! Hoy! Hoy!
Kayong dalawa. Anu yan ha? Anu ung LoveLove na naririnig ko? Hanggang dito ba naman dala-dala niyo ung TRMD. Tsaka may pahawak-hawak pa kayo ng kamay. Anung meron? Nanggagalaiting salubong samin ni Chynna.

Napangiti ako at napatingin kay Glaiza. Ganun din siya. Ang kulit talaga nitong si Chynna. Nag-aala Batchi na naman.

Hmmmm.... Chyns may sasabihin kame sayo. Sabi ko..

Anu un? Kayo na? Oo alam ko na un. Halata naman eh. Ung tinginan niyong dalawa. Yung over sweetness niyo sa set. Yung ngiti niyo. Alam ko na un. Ramdam ko kayo. Nakakagulat lang na bakit ngayon niyo lang sasabihin sakin. Di naman ako tututol eh. Diba nga ako ung Kapitan nyo? Basta masaya kayo, masaya na din ako. Mahabang sabi ni Chynna.

Ibang klase talaga tong si Chynna. Nagkatinginan na naman kame ni Glaiza. Tapos sabay namin na nilapitan si Chynna at niyakap. Kaya mahal namin tong babae na to eh. Laging nakasuporta. Nagtawanan kaming tatlo.

Kayong dalawa. Lagi niyo tatandaan na kahit anung mangyari. Nandito lang ako sa likod niyo. Nakasuporta sa lahat ng magiging desisyon niyo. Love na Love ko kayong dalawa eh.. Nakangiti pa si Chynna habang sinasabi un.

Salamat Chyns ha? Iba ka talaga. Sabi ni LoveLove

Oo nga Chyns. Thank you talaga. Alam naman namin na susuportahan mo kami eh. Alam ko na tanggap mo kami ni LoveLove. Sana ganyan din ung iba. Sana matanggap din nila kami. Sabi ko na naiiyak.

All my life, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. After namin maghiwalay ni Jason. 2years na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit ako naging masaya. Nasaktan ako dati. Pero natuto na ko. Heto ako ngayon, nagmamahal ulit. Ang saya ko.

Nakatingin lang ako sa LoveLove ko, habang nagkwekwentuhan sila ni Chynna. Ang ganda-ganda niya talaga, di ko alam kung bakit mahal ko siya. Basta un lang ung naraamdaman ko. Im so happy that i have her.. Napangiti ako..

Rhi baka naman mahipan ka ng masamang hangin Jan. Lusaw na lusaw na si Glaiz sayo eh. Oo na. Alam ko na mahal mo siya. Obvious na obvious naman eh. Para ka ng baliw sa kakangiti tuwing titingin ka sa kanya. Natatawang putol ni Chynna sa iniisip ko..

Tumawa lang ako at tumabi kay Glaiza. Yumakap ako sa bewang niya.

Ikaw Chyns, niloloko mo na naman tong LoveLove ko. Biro ni Glaiza kay Chynna.

Bakit masama ba tingnan ung LoveLove ko? Tsaka masaya lang naman ako kase magkasama kami. Tapos meron pa kaming kaibigan na tanggap kami. Sagot ko kay Chynna.

LOVE iS UNPREDiCTABLEWhere stories live. Discover now