Warning 29

197 12 5
                                    

Tigmak ang mga luha sa aking pisngi, nalilito ako kung ano nga ba ang uunahing gawin ngayong hindi ko alam kung nasaan ako.

Ang mga yapak ko'y lumapat sa malamig na carpet na kulay abo. I woke up from the comfort of those months I spent hiding. Ngunit gaano man kaginhawa ang aking naramdaman, ang tahimik na pangambang bumabalot sa paligid ang siyang nagpatulo muli ng aking mga luha.

There's even a pair of comfy footwear under the queen Victorian-style bed.

Ayoko na yatang malaman kung sino pa ang may pakana ng pagkapunta ko rito. Parang wala na akong kakayahang humarap pa sa katotohanan.

Malinaw pa sa aking alaala ang suot kong pangtulog kagabi. Compared to the dull peach dress and this silk maternity gown that's currently hugging my swollen belly, I somehow felt more alive—kahit papaano.

With a heavy heart, I twisted the metal knob. Looking from right to left, my mind in turmoil, battling with myself if I should run or not.

Napaluha muli habang binibilisan ko ang aking paglalakad. Nag-iingat ako, dahil ilang beses na akong dinugo. Kinamot ko ang aking mga mata, trying desperately to dry the tears away as I continued down the unfamiliar hallway.

Bumangga ako sa isang matipunong katawan, muntik na akong matumba kung hindi lang niya ako nasalo. I momentarily closed my eyes. Kilala ko ang amoy na ito.

Please, not him. Please...

This must be a dream.

Maybe I’m dreaming… or am I?

Pinalaya ko na siya… bumitaw na ako… at alam kong hindi na ako hahanapin pa.

He may have found another woman. Magkabalikan na sila ni Helga. Tanggap ko na ang lahat ng posibilidad. Walang permanenteng bagay sa mundong ito na punô ng pagkukulang.

The world is vast, and the population too wide. He could replace me without hesitation.

“Why do you keep running away from me?” Ang baritono niyang boses ay puno ng hinanakit, bawat salita'y tila humahaplos sa sugat ng aking damdamin.

Nakayuko akong naiiling. Mas naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga bisig habang hinihila ako palapit sa kanyang katawan. He’s warm. I want to hug him, bury myself in him, as if he were my pillow—my safe haven.

His finger gently lifted my chin so our gazes could meet. His eyes burned with longing, a longing so deep it pierced through me. Hindi ako marunong sa mga emosyon, pero ngayon gusto kong itanong sa kanya, bakit ba ang lungkot ng mga mata mo, kahit pa ang labi mo’y may maliit na ngiti?

“Ibalik mo ako roon…” Pilit kong pinanlalamigan ang aking boses, kahit pa sa loob ko’y parang sasabog na ang lahat ng damdamin.

He shook his head slowly.

Kahit anong katwiran o dahilan ang sabihin ko, alam kong hindi niya matatanggap. Hindi niya ako pakakawalan.

“I’m not gonna let you out of my sight,” he whispered, his voice now soft as he caressed my cheek tenderly. Napakislot ako nang maramdaman ko ang kanyang palad na marahang humawak sa aking tiyan.

Lumayo ako nang kaunti, nanginginig ang mga labi ko. “Tama na, Martin... Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga pagkakamali at kasalanan ko.” Alam kong iyon ang totoo. Kailangan kong itama ang lahat bago pa  mahuli ang lahat.

We can’t be happy if we’re hurting someone.

“I’m the one to blame,” he said, his voice heavy with guilt. “Ako ang may kasalanan sa'yo. I lost control of myself, naging makasarili ako, Arsinoe. I wanted you so much, hindi ko na inisip ang mga consequences na magdudulot sa’yo ng sakit at panganib.”

SolitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon