Beginning

18 2 17
                                    

"Ante Meridiem!" Napalingon ako sa class president namin nang bigla niya akong tawagin.

Sa araw na 'to, pang-pitong beses na yata niya akong tawagin sa buong pangalan ko pero dahil sa malambing niyang boses ay palagi ko na lang ding hinahayaan.

"Hmm?" Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Nasa loob kami ng classroom, alas kwatro ng hapon, naghihintay sa subject teacher namin.

Walang pagdadalawang isip siyang lumapit sa pwesto ko at tumayo sa harap ko para ibigay na naman ang offer niya.

"Are you sure you don't want to join the speech club? Because you really have great speaking skills, I know you'll excel." Nanghihinayang na aniya. Pinilit ko na lang ang ngumiti sa kaklase ko habang umiiling.

"Sorry, Pres. Wala talaga kasi akong hilig sa ganiyan saka 'di rin ako gano'n ka-confident, eh."

Araw-araw talaga walang mintis ang panliligaw ng president namin para papasukin ako sa speech club. Kahit ang mga kaklase namin sinusulsulan din ang presidente dahil sabi nila, sayang daw ako. Pwede raw akong mag-compete at pwede ring magdebate-debate dahil magaling sa talakan.

Ayoko no'n. Akala lang nila magaling ako, ang totoo nanginginig na ang kamay ko habang nagsasalita sa harap. Baka mamatay na ako kapag pinag-compete pa nila ako.

"'Wag mo ngang pinipilit si AM, Nat." Ken's voice, my best friend, suddenly entered the chat. Napalingon ako sa pinto nang mapansing doon galing ang boses niya at hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti ko nang mangita ang tatlo kong kaibigan.

"It's just that she really has great speaking skills. She can go somewhere with that and I'm pretty sure most our teachers will agree. But then... if that's really your decision, AM, I'll respect it. Thank you." Malawak akong ngumiti sa kaniya at namaalam na rin.

Hinarap ko ang mga kaibigang naglalakad na patungo sa likod kung saan sila madalas umupo. Tumayo pa ako at naglakad papalapit sa kanila para mas makausap silang maayos. They places their bags on their respective chairs yet still chose to stand up and waited for me.

"Bakit hindi kayo pumasok kaninang umaga?" Bungad ko agad sa kanila. Our morning classes, from seven to twelve, were full. Ang sa hapon naman, tanging alas kwatro hanggang alas singko-trenta na lang.

"We had a tourna, bro. Kung nagbabasa ka sa gc, malalaman mo 'yan." Natatawang saad ni Ion bago pinisil ang pisngi ko.

Ang supladong si Zen naman ay ginulo ang buhok ko habang nakangisi bago ako hinila ni Ken papalapit sa kaniya. Pinatalikod niya ako sa kaniya para makaharap ko sina Ion at Zen. Pinalibot niya ang kanang braso niya sa leeg ko hanggang sa naabot ng kanang kamay niya ang kaliwang balikat ko at doon siya humawak.

"Wala bang congrats diyan? Nanalo kaming 10k," he joyfully announced while laughing.

"Weh? Edi lilibre niyo ako!" Natatawang saad ko rin sa kanilang tatlo.

"Grabe, wala man lang congrats, ano?" Nakataas ang kilay ni Zen sa akin.

"Congrats, libre ko saka balato ha." Pang-aasar ko pa lalo sa kanilang tatlo.

"Of course, hindi ka namin malilibre ni Zen. We can give you five hundred each, though. Si Ken na bahala sa 'yo." Lumawak ang ngisi ko sa sinabi ni Ion.

"Ken, libre ko. Ililibre mo talaga ako, bawal humindi." Inalis ko ang braso niya at nilingon siya. "Kailangan kumain ka rin. Tama na muna 'yang bilang-bilang ng calories. Natuto ka lang mag-gym, conscious ka na agad sa pagkain?"

"Yes po, boss. Kakain po ako mamaya kasama ka." May maliit na ngiti sa labi niya. Ngumiti ako at tumango-tango sa kaniya.

Madalas akong tinatanong ng mga tao kung sino sa tatlo ang boyfriend ko. 'Di ko rin nga maintindihan kung bakit tinatanong nila sa 'kin 'yon. We're best friends! Kahit pa sabihing last year ko lang sila nakilala, we still survived grade 11 together. They are my babies at alam kong gano'n din naman ang tingin nila sa pagkakaibigan namin.

Break of Daylight (Red String Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon