"Pero alam mo ba kung bakit Ken 'yong nickname? Jarrel Adrienne De Guzman Diego full name diba? Asan 'yong Ken do'n? Kahit sa middle name wala!" Tinawanan ko si Jas sa naging reaksyon niya.
It was like my reaction when I realized that there was no 'Ken' on his full name!
We had our early dismissal after DRRR, 10:30 pa lang at ala una pa ang susunod na klase kaya't nag-desisyon kaming tumambay sa isang food park malapit sa school. Iba't ibang topic na ang nasimulan namin at ngayon ay napadpad kami sa pangalan ng mga kaibigan ko.
"Oo nga! Pero may reason naman kasi 'yon, eh! Mukha nga kasi siyang manika." Inalala ko ang mukha ng kaibigan.
Maputi ang kutis niya, nagliliwanag talaga siya lalo na kapag tumatabi sa aking morena naman ang balat. Ngayong disesyete at magdi-diseotso sa November ay sobrang tangkad niya na talaga, nagmumukha akong bata madalas sa tabi niya lalo na't masasabi ko nang medyo bulky ang katawan niya dahil nag-gym. Makapal ang kilay niya, natural ding pinkish ang labi, may kalaliman ang mga mata at kapag ngumingiti ay lumalabas ang dimple sa kaliwang bahagi ng pisngi niya.
"Eh, alangan namang Barbie ang nickname niya? Siyempre lalaking manika kaya Ken!" Ngumuso sa akin si Jas dahil sa sagot ko sa kaniya.
"Pero kasi grabe naman 'yong layo no'n sa pangalan niya—" hindi natapos ng kaibigan ko ang sinasabi niya nang may lumapit sa amin.
"Excuse me, miss." Sabay naming nilingon ang lalaking um-approach sa amin. He had this warm tanned skin standing tall, his features were sharp yet he still had this welcoming aura. "I'm sorry for the disturbance but if it's okay with you... May I know your name?"
"Ha? Ako po ba?" I asked curiously and genuinely. Sa akin kasi nakatingin, eh. Pero baka mamaya assuming ako, mabuti nang sigurado.
"Yes po. If it's okay with you, miss." He smiled, making his welcoming and approachable aura much more noticeable. Ngumuso ako at hindi alam ang isasagot sa kaniya.
"Uhm, bakit po? Para saan po sana?" Nilingon ko si Jas na ngumunguso para mapigilan ang pagngiti. Tumaas ng bahagya ang kilay ko na agad naman niyang sinagot sa panlalaki ng mga mata.
"Ah... May plus points daw kasi kami sa Chem if makapagbigay kami ng names ng students niya from other sections. You're under Miss Ma also, right?"
"Ah, gano'n ba? Yes, yes, we're under her din sa subject. By the way, walang problema if you need it for the score. It's Ante Meridiem po." Ngumiti ako sa kaniya.
"Ante Meridiem as in the morning? Like AM?" Tumango-tango naman ako sa naging tanong niya. "Your name's cool. Probably as cool as you. Thank you a lot! Salamat at may ten points agad ako."
Doon din natapos ang usapan namin dahil pagkapaalam ko sa kaniya ay namataan ko sina Ion at Zen, naglalakad papunta sa pwesto namin ni Jas.
"Huy! Halata namang walang gano'n sa Chem! Para-paraan masyado para makuha pangalan mo, eh!" Humalakhak siya sa sariling sinabi. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hoy, malay natin? Hindi pa naman natin name-meet si Miss Ma, eh!" Lumakas lalo ang pagtawa niya habang tinataasan ko siya ng kilay.
Totoo naman kasi! First week of class pa lang namin at mamaya pa namin mame-meet ang guro sa Chem kaya malay namin, diba?
"Asus! Halata namang bet ka no'n!"
"Sino may bet kay AM?" Bungad ni Zen sabay upo sa tabi ko at akbay sa 'kin. Ngumuso ako at saka inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay sa 'kin.
"Ooh, that's new. Someone's making their move to my baby?" Umupo naman sa tabi ni Jas si Ion. "Can't let go of you yet. You're just seventeen!"
"Hoy?" Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Eighteen na 'ko sa December! Isa pa, walang nagmo-move. Gawa-gawa 'yang si Jas!"
BINABASA MO ANG
Break of Daylight (Red String Series #1)
RomanceUntil when will you hide yourself in the dark? Until when will you let others decide for you? In a society full of naysayers, Ante Meridiem surely could not help but be affected to the extent where she fully lost the will to pursue her dreams. Not u...