"Kaya naman pala sobrang maldita mo!" Tumatawang saad ni Jas sa 'kin. Hindi ko mapigilan ang mapanguso habang hinuhugasan ang kamay ko.
Dumiretso kami sa banyo ni Jas habang ang tatlo, nauna na sa baba. Ang sabi lang ni Jas ay mag-aayos ng mukha kaya nagbanyo na rin ako. There I found out that it was the first day of the month. Red days ko na pala kaya naman pala hindi gaanong maganda ang pakiramdam ko. It was also the main reason why I was easily irritated and bothered by things.
"Si Ken pa talaga napagdiskitahan mo, kawawa naman 'yon! Ang lala ng tingin mo sa kaniya kanina, mang-aaway na, eh!" Tumawa pa siya lalo.
Bumuntonghininga ako at inisip ang kaibigan. Inalala ko kung ano ang mukha niya kanina. Hindi naman siya mukhang, kawawa, eh. He was even smirking! Mang-aasar pa yata talaga sa 'kin!
"Kawawa ba 'yon? Ewan ko, biglang nakakairita 'yong mukha. Mula pa talaga kanina sa food park naiirita na 'ko. Tapos ngingisihan pa 'ko? Tama ba 'yon?" Ngumuso ako, gustong sumang-ayon siya sa 'kin. Pero mukha yatang iba ang naging desisyon ni Jas dahil imbes na sumang-ayon ay kinontra niya pa ako.
"Hala, anong ngisi? Lungkot-lungkot ng mukha no'n habang palabas ng room. Tinarayan mo ba naman, eh!" Nangungumbinsi pa ang tono niya.
I raised an eyebrow and tried remembering what happened when we got our of the room. Ah! 'Yong katitigan niyang babae!
"Lungkot ba 'yon? Kung makipagtitigan do'n sa HUMSS student pagkalabas ng room, malungkot 'yon?" Pinatay ko ang gripo sabay punas ng kamay ko gamit ang paper towel.
Inalala ko ang mukha niya habang nakatingin do'n sa babaeng nakatitig din sa kaniya. I couldn't help but mentally roll my eyes. Hindi ko alam kung bakit pero naiirita ako! Alam ko namang gwapo siya pero bakit kailangan titigan talaga siya? Pumikit na lang sila!
"Oh, ba't ka galit?" Natigilan ako sa tanong niya. "Grabe ka naman, ige-gatekeep mo 'yong gwapong 'yon?"
I pursed my lips and looked at her, eyebrows furrowed. Anong pinagsasabi nito? Galit ba ako? At bakit naman ako magagalit kung oo nga? No way, I'm not angry! Wala naman akong paki! Edi makipagtitigan siya!
"Hindi ako galit. Nakakairita lang na sasabihin mong malungkot siya pero 'di naman gano'n nangyari."
"Ah, talaga ba, AM?" Nilingon ko siya at tinaasan lalo ng kilay na ikinatawa niya ng malakas. He was looking at me like he caught me doing something wrong!
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Bilisan mo na nga diyan para makaalis na tayo!" I closed my bag and immediately held it together with my water bottle.
"Kanina pa po ako handa! Ikaw na lang hinihintay, in denial!"
I am not in denial! Wala naman talaga sa 'kin 'yon! Naiirita lang talaga ako sa sinabi niya kanina kasi hindi naman totoo. Kasi why would she insist on something na hindi naman totoo, diba?
Ngayon nga lang ay mas nakakairita ang sitwasyon ko. Magkasalubong ang mga kilay ko habang kumakain ng churros at nakatitig sa papel na nasa lamesa.
"Madali lang nga kasi 'yan!" Sabi ni Zen habang tinitignan din ang papel kung nasaan ang chemical formulas.
Nandito na naman kami sa area na may food stalls. We were sitting on camping chairs infront of a stall where we ordered. Palubog na naman ang araw at halos kulay kahel na ang paligid pero maliwanag pa rin dahil sa street lights na nakapalibot sa area. The place was packed today since the weather was quite nice, making it a little bit noisier than the usual.
"Eh, hindi ko nga kasi naintindihan kanina! Bakit ayaw mo mag-explain?" Tumaas na ang kilay ko sa kaniya.
Paulit-ulit akong nanghihingi ng tulong pero ang sagot niya lang sakin, madali lang daw 'yon! Eh malay ko, masama nga loob ko kanina kaya hindi ako nakinig!
BINABASA MO ANG
Break of Daylight (Red String Series #1)
RomanceUntil when will you hide yourself in the dark? Until when will you let others decide for you? In a society full of naysayers, Ante Meridiem surely could not help but be affected to the extent where she fully lost the will to pursue her dreams. Not u...